Quote Originally Posted by misseksaherada View Post
Biggest concern ko sa Baguio yung waste management.. Hays dami basura ng mga turista.. nakakainis pa yung kawalan ng disiplina sa pagtapon..

Yung Sagada din ibang iba na.. Dati lights out na 9pm or 10pm ngayon dami pa tao kahit midnight tapos bukas pa restaurant.. Di na tulad ng dati..

Sent from my CPH1907 using Tapatalk
Alam mo napag-usapan namin ng kuya ko 'yan about sa Sagada. Hindi malayong mangyari na magiging second Baguio na siya. Pero hindi kasi natin puwedeng pigilan ang pag-asenso ng mga tao, kaya nadedevelop ang lugar. Siguro puwede tayo mag-latag ng batas patungkol sa development ng lugar. Ano ang bawal sa hindi. (Through the efforts of the city council...)

Sana meron tayong law makers na future thinker din.

Idagdag ko na din pala about sa Baguio...

Migration Capital = Baguio (Aminado naman iba kong kakilala na walang dugong Igorot/Cordilleran pero nag-migrate magulang nila sa Baguio. )
Retirement Capital = Baguio (Gusto ko mag-retire sa Baguio dahil doon ako ipinanganak. May kapitbahay din kami na galing U.S. na nag-retire sa Baguio. )