
Originally Posted by
dwhitekiss
Guys, kamusta Rio nyo? fc? I've been using Shell V-Power Racing (fairview commonwealth station )since nung time na nirequire ako ng SA to use higher octane and since then wala na akong naririnig na engine knock until napadaan ako sa Shell South Triangle sa EDSA kasi mababa ang price nung gas nila compared sa iba. Nagpafillup ako ng Shell V-Power and then a couple of minutes while driving narining ko nanaman yung engine knock. Hay frustrating na ito. So back to experimenting with fuels ulit ako.
Bumalik ako Petron Blaze 100 (Fairview Regalado), nagpakarga ng 500 Pesos, and then traveled Fairview to BGC Taguig. Rush hour (7am - 9 am) commonwealth pa lang traffic na. Time traveled is 2 hours papunta, another 2 hours pabalik so total 4 hours with 70% traffic and when I say traffic, below 15km/h and speed ko, ave fuel consumption is 12-13L/100 km or 7-8 km/l. Total Distance = 75 km.
The next day, sibukan ko naman yung XCS (500 pesos) with same conditions. A little same result BUT I needed to step on the gas more and then mas maiksi yung kilometers ko compared to Blaze. May engine knock din sa XCS pero occasionally. When I say occasionally, kapag talagang alanganin or napaka light ng tapak ko (which I think is acceptable na rin).
Sinubukan ko naman yung Sea oil extreme with 97 RON. May engine knock pa rin pero compared sa Petron Blaze and XCS, mas mahaba yung mileage ko. magandan na sa ito kasi mura na, mahaba ang inaabot kaso may engine knock pa kahit 97 RON na. Meron din akong napansin using Sea Oil Extreme, naaamoy ko yung singaw nung gas sa fuel lid lalo na pag mainit and byahe at araw.
Dahil sumasabak ako sa traffic, Shell nalang fuel but this time yung Fuel Save ginamit ko. Same mileage with XCS, pero mas maganda yung takbo and andar ng makina. Satisfied na ako sana sa Fuel Save kaso may engine knock pa rin pero bihira na. Tapos, hindi ko na rin naaamoy yung singaw. Okay na ako sa Fuel Save sabi naman ng SA ko, hindi naman daw nakakadamage yung Engine knock na naririnig ko.
Habol ko talaga ngayon, malower yung gas cost ko kaya kahit may engine knock okay na rin hindi naman parati and unlike using the above fuels, mas satisfied ako sa Fuel Save. Sa ngayon, medyo maganda yung fuel consumption ko 10-12 km/l medyo hindi na ako ganun na tratraffic kasi mga 9am na ako umaalis.
Anyway, if ever gagawin ko nalang weekend gas yung V-Power Nitro +Racing kasi walang traffic .
Pero I will do a last experiment , susubukan ko yung Caltex Gold 95 RON kasi recommended pla ng Kia yung Techron additive. Try ko ulit 500 pesos and tignan ko yung mileage. Nung huling try ko kasi may engine knock sa Caltex Kamias. Try ko dito sa Caltex Fairview baka maganda yung quality nila.
May initiative na pla yung Petron and Shell to make their gas fuel Euro 4 grade. Kaso sa 2016 pa. Petron Also, Petron XCS pala is 96 RON na!
Wala naman akong problem kay Rio, sabagay, ang deciding factor ko dito ay yung design and features, 3rd lang yung fuel but I never expected na may maririning akong engine knock. Proud owner pa rin ako. Di ko lang agad na research about the gamma engine and the fuel standard in the Philippines. Be positive na masosolutionan ni Kia itong fuel issues nila. Malapit na rin naman akong mga pa PMS 15K km baka Dec or early Jan. so hopefully makausap ko yung manager sa Pasay about our concerns.
Overall observation ko sa fc ko with city driving (often I'm in medium to heavy traffic mga less than 15 km/h). 11-12 l/ 100km which is 8-9 km/l. Babad na sa traffic yun. Pag long driving naman like Manila to tagaytay, I'm contented with my fc based sa cluster which is 16 km/l tapos sarap pa idrive. May mga hataw na yun.