My best fc so far..
304.9 kms / 33.33 liters (auto)= 9.15
60 city with around 30-45 mins traffic
40 hway
Caltex gold
Odo 2060+
------------------
Dinala ko kanina unit ko sa dealer tas nandun din ang technical guy from CAC
- sabi sa akin ng technical, wala daw rough estimate sa city driving na nakuha nun nag test w/DOE, sa hiway lang which was 16 km/l
- tinanong ko kung malakas ba ang 6km/l sa city na subcompact at 1.4 ang makina, ang sagot "depende sir eh, kasi maraming pwedeng variable" sabi ko malakas yun, hindi daw "maraming factors". Sabi ko nga eh, paano kung bibili palang ako ng rio tas tatanungan ko siya kung ilan fc pag city, sabi niya wala daw sagot. Pansin ko iniiwasan talaga niya magbigay ng value eh
- nagtest drive kami sa c5 for 30 kms, syempre maganda fc 12km/l ayon sa MID. Ave speed was 35km. Mixed driving daw yun ayon sa kanya. Sabi ko nga hindi ba hiway figures yan dahil sa c5 tas hindi tayo halos huminto. Sagot sa akin, ang hiway driving daw ay "driving for 80kph for 10mins daw, yun steady speed' - napa OK nalang ako..
- tas kung pwede daw gamitin yun vpower na 97 ron para daw masmaganda response at sunog ng gas. Sabi ko, wala naman problema sa akin ang 95 ron eh, tas nun chineck spark plug ko, malinis naman.
- ito naman napansin ko, yun aircon pag naka-on, normal talaga na tumataas yun fc pero konte lang eh. Kasi dun sa gadget na ako humawak habang nag tetest drive, pag naka on ang aircon, mga .8 lang yun tinataas ng figures sa injection time. Pag naka idle lang na patay aircon nasa 2.48 tas pag on ng aircon nagiging 3.28 pero hindi ko alam yun unit of measurement.
- ecu ko have the latest firmware. Yun nakuhang ecu update ni cyberian sa mga unang batch lang ng rio daw kelangan gawin yun. At walang speed sensing lock daw ang rio talaga, hindi daw na aactivate sabi nun technical.
So in short, parang ang dating sa akin as per the technical guy na normal lang para sa mga CAC yun FC natin sa city driving. Sa akin naman never bumaba ng 6km/l ang fc pero 7-8 kong nakukuha sa city driving, tingin ko talaga malakas compare sa ibang brand ng sasakyan sa same category. At sabi sa akin nun technical, may nakukuha na nga silang mga complaints na malakas sa gas pero mukhang wala silang magawa dito kaya parang pinararating nila na normal lang yun.
Feeling ko tuloy nagsayang lang ako ng oras sa nangyari hahaha! Ang maganda lang siguro as per DTC, walang errors na nakita sa unit ko hahaha!
Sent from my GT-P1000 using Tapatalk 2




Reply With Quote




