Zic yung gamit na oil ng Kia Acropolis. Zic na Fully Synthetic. Doon nga ako nagtataka eh, ang Zic sa totoo lang mura lang yan oil na yan. Malayong malayo sa price ng Motul and yet aabot ng 7K ang PMS ko sa kanila kahit fully synthetic, eh hindi nga diesel yung Sportage ko. What more kung diesel.
Pwede naman umabot ang Motul sa 10,000km. Every 5,000km top up at palit ng oil filter.
Ang air filter pwede 20,000km ang palitan, pero effective talaga 10,000km lang kasi malakas humigop ang eVGT. Ganun ginagawa ko before sa Tucson. Nung 20,000km PMS ko, nag K&N drop in na ako. Sa Santa Fe OEM parin gamit ko.
Kung gusto niyo magpalit ng HU, ok yun kay lurkercar. Kasamahan ko yun sa Tucson.PH before. Sold his Tucson at bumili ng Sportage

Naunahan pa niya ako sa clear white. Haha!