New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    3
    #1
    Good Day mga Sir, patulong naman po.

    Bumili po parents ko nang 2nd hand na '07 XTI LE sa Quezon City. Sa Butuan City po bahay namin at ibinyahe nila mula Quezon papunta samin. Kaso po, papuntang Liloa, Leyte napansin nila ung rattle sa bandang likod. Pagdating nla sa Liloan, Leyte dun pa po nila napansin na iba na yung tailgate. Black pa rin yung kulay kaso halatang luma na yung paint, wala na ung badge at spoiler. Hinala nila, ninakaw daw yun sa loob nang ferryboat patawid nang Visayas. May naiba rin daw po sa mga side mirrors. Sa ngayon, di na nila inaalala na pinalitan yung tailgate, ang concern nila ay kung may replacement part ba ang mga nanakaw na side mirrors at tailgate.

    Patulong po kung:

    1) San po makakakuha ng OEM/2nd Hand na Tailgate at pair ng side mirrors? Magkano po ung average price? Paminsan minsan po kasi, lumuluwas papa q sa Maynila para sa mga conference nila.
    2) Possible po ba na ikabit yung Tailgate na katulad nung sa Sportivo na may wheel carriage? O bolt po on yung wheel carriage? Sabi po kasi ni papa, it came with a wheel carriage /w tire cover nung binili nila. The catch is, iniwan yung reserbang gulong, ibinalik sa ilalim at yung wheel cover inilagay sa ilalim ng 3rd row. (Naawa? LOL!)

    Medyo mahal po kasi sa Isuzu CdeO. Salamat po mga sir.

  2. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    33
    #2
    https://www.facebook.com/groups/60168997672/
    Sali ka po jan sa fb page ng crosswind owners. Madami po makakatulong sau jan.

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    224
    #3
    sad to hear that sir!
    grabe na talaga mga tao sa pinas wala ng pag-asa mag bago
    kawawang bansa, kaya nakakahiya ipag malaki.


    try mo sa olympia sir maayos kausap 7165386 dito po yan sa quezon city.

  4. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    3
    #4
    Sir -freelancer- at Sir BRIAN, salamat po sa mga info. Inform ko po parents ko.

  5. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    6,165
    #5
    Parang hirap naman atang paniwalaan 'to. Saktong may spare tailgate na parehong kulay naka-stock sa ferry? Di nakalock ang pinto? Wala man lang nakapansin na may ginagawang milagro sa deck?

    Nicheck ba nila uli bago nila nakuha sa seller?

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #6
    ninakaw na pinalitan pa ng luma, kung ganoon ninakaw na lang sana, baka naman sa iba nag karoon ng switching, like sa mga pinagagawaan ninyo ng sasakyan ninyo.

  7. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    3
    #7
    Sir JohnM at Sir raine, di ko po alam yung full detail nang pangyayari. Di po ako nakasama sa roadtrip kasi may pasok kami at di ko pa po nakita yung actual item na binili nila kasi wala po ako sa amin ngayon, nasa Cagayan de Oro po ako ngayon, pasensya na po. kahit kaming dalawa ni papa naguluhan sa nangyari.

    Any ideas po saan makakabili nang murang replacement? Ill-fitted po kasi ung nakakabit sa item. Salamat po.

Tags for this Thread

Pinalitan ang Tailgate sa Ferry Boat