New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    52
    #1
    Good day sa lahat. Need your opinion sa problem ko sa Hilander namin. Nag hahalo kasi yung langis sa radiator. Hindi naman siya nag ooverheat pero nagbabawas ng langis sa engine dahil sa paghalo sa radiator. may nabasa ako na cylinder head gasket ang papalitan, may nag sabi naman sa amin na yung oil cooler ang palitan. Ano po ba ang dapat? TIA

  2. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,741
    #2

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    84
    #3
    Good day mga sir, nagreplace ako ng oil cooler ng 96 TFR pick up namin kahapon lang. Ang problema lang kasi marami nang external leak yung oil cooler ko, natakot na ako baka maghalo pa yung tubig sa langis kaya better na pinalitan ko na. Got it for 6k discounted (regular price around 7k) sa walco. As for my mechanic experience, yan yung madalas nilang palitan sa Hilander specially 98-2000 model. ang cause is naghahalo nga yung tubig at langis kaya better to replace it immediately na brader bago masira ang engine. Hope it helps

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    52
    #4
    thanks mga sirs. Ask ko na din kung generic ang size ng oil cooler for Isuzu cars? Nag tanong kasi kame sa Walco ang binibigay nya eh yung oil cooler na pang pick up. Same size lang kaya yun? And baka meron kayo marerecommend na auto supply na nagbebenta ng oil cooler? TIA

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    84
    #5
    sir,better to bring yung old one or pwede mo kuhanan ng pic,may ibang model size pala kasi yan though kasya pa rin naman yung fitting para sa 4JA1, meron kasing mas mahaba pero mas mura at yung mas maikli eh mas mahal, di ko nga alam kung bakit ganun. kasi nung nagpalit ako last time sinabi ko lang yung model ng sasakyan at makina, ang nabigay sakin yung mas mahaba, since mali nga balik ako ng walco to replace nung mas maikli. Hope this helps

  6. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    52
    #6
    Thanks sir sa tulong/mga inputs nyo. Nakabili kanina yung tito ko sa Jetco. Tama ka, dalawang klase nga daw yun, isang dark color na malaki at stainless color na maliit (eto yung kamukha ng OEM at mas mahal). Hindi ko pa nakikita yung unit kasi nasa ofc pa ako. Pero nakausap ko yung may ari at sabi nga nya same fitting lang yun. Sana nga lang maganda ang maging performance...

  7. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,741
    #7
    Quote Originally Posted by nelS View Post
    Thanks sir sa tulong/mga inputs nyo. Nakabili kanina yung tito ko sa Jetco. Tama ka, dalawang klase nga daw yun, isang dark color na malaki at stainless color na maliit (eto yung kamukha ng OEM at mas mahal). Hindi ko pa nakikita yung unit kasi nasa ofc pa ako. Pero nakausap ko yung may ari at sabi nga nya same fitting lang yun. Sana nga lang maganda ang maging performance...
    Ok lang yan sir basta tama ang fittings. Yung pinalit ko sa akin maybe 5 years ago ay iba keysa original pero ok naman. Hanggang ngayon di na naghalo ang langis sa radiator. Sabi sa tindahan na binilhan ang oem oil cooler daw ay ganyan talaga ang sakit, pero yung replacement ay ok (mas matibay), tama nga siguro kasi till now problem free pa rin ang 2000 HighLander ko.

    Before oil cooler replacement nag DIY pull out ako ng cylinder head thinking na gasket ang culprit pero hindi. Anyway ok din at least na inspect/confirm ko ang condition ng combustion chamber + re-lapped ang valves. Minus gastos kaya lang talo sa pagod.

oil cooler or cyl head gasket problem?