New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    408
    #1
    Good day, plano ko sanang pagandahin yung Dmax ko kasi since 2004 wala pang napapalitan/nadadagdag sa kanya maliban dun sa carryboy and sun visors. LX lang sia since pangharabas lang at pangbuhat ng mga gamit for business. Ung mod sana ung gaganda sya, like kung ano bagay na mags, size ng gulong etc. Pati ung mod na gaganda performance niya. BTW kulay blue ung dmax.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #2
    To improve performance, you would like to chip it.

    And since you mentioned that it's for hauling purposes you might want to stay away from " blings ", usually I recommend people with pick-ups to limit themselves to 16's then wrap it with either H/T or A/T rubber. It's usually the perfect combo. The brand of rubber depends on your overall budget. If you can afford MT ( Mickey Thompson ), why not?

    You can have a wide array of choices from ROTA. Also from the American Racing shop along timog.

    If you travel at night, I strongly recommend too Gary's retrofitting works. Bolt-ons would do, as long as the product's from him.

    Next up would be of your choice. Aftermarket horns? All weather foglights? Bullbars, aftermarket steel bumpers and stuff like that.

  3. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    408
    #3
    Napalitan na yung horn niya ng Bosch o Fiamm ata, basta "POT POT" ung tunog. Anong ang maganda but affordable na H/T tires and ung size? kasi magpapalit narin ng goma dahil pudpod na. Thanks BTW.

  4. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    479
    #4

    Sadyang pang-harabas talaga yata role ng mga DMaxsiados natin chief

    Sa totoo lang ang titibay naman kasi ---- meron din kami 2004 "3.0 TD Intercooler" LS (4JH1-TC ang makina) at 2008 "3.0 Ddi-iTEQ" (4JJ1-TC "standard"). All are 4x2 manual-transmission.

    Itong 2004 DMax namin nakaka-300,000 km na at walang kakupas-kupas sir. Itong same DMax 4JH1-TC na gamit naman namin sa mineral exploration oversea, nakaka-350,000 km na din at wala din kakupas-kupas. 4x4 manual-tranny naman ito at pang-bundok talaga ang tibay, maging sa akyatan at sa kargahan. Bone-stock ito at walang mods.

    Itong kaisa-isa at lumang DMax pa ang pinaka-matibay na 4x4 service namin kumpara sa mga Toyota Hilux, lumang Prado (1993 1KZ-TE, na mukhang alaga ng may-ari dati bago pina-renta), bagong Mitsuboshi Triton (Strada sa Pinas), bagong Toyota Fortuner at bagong Mitsubishi Pajerosport (Monterosport sa Pinas). Maliban sa DMax, may mga tama na sa transmission, steering, at makina itong iba, lalo na yung mga nakaraang Hilux's, itong current Triton at itong lumang Prado na ginagamit pa rin namin, ay malilimit sa repair shop ng rental company hehe .
    ....Bagkus, nakaka-80,000 km pa lang ang Mitsu Triton at ang Toyota Prado naman ay 90,000 km. Yung dalawang Hilux na luma na gamit namin a year-ago ay pinalitan na dahil sabi ng may-ari, lumalaki na maintenance cost niya kaya bago itong dalawang Hilux na nandito ngaun, halos tig-2000 km palang natatakbo. So, wala pang mga nakikitang problema. Ito ay malimit naman sakay ng mga puting boss-among-tunay dito, kasi bago pa ahihi

    Sulit yan mga sir, gaya ng sulit ang 2004 DMax namin sa bahay.... Kung sakali man puede ang diesel-EFi tuning chip sa 4JH1-TC na makina, please let me know.... Kasi sir, nagtanong na ako sa Speedlab Racing, hindi daw puede ang Unichip nila. Sa 4JJ1-TC Ddi-iTEQ lang daw puede.

    Goodluck!!!!



  5. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    408
    #5
    Ang tibay talaga ng DMAX sir! yan lang tsaka yung L300 at adventure na diesel ang gumana sa mga sasakyan namin matapos yung ondoy. Kaso pagtapos nun tumigil din nahaluan yata ng tubig yung gasolina. Tsaka 4x2 lang ung amin pero natatandaan ko first 3 days palang samin inakyat na sa sobrang putik na daan tapos matarik dahil may titignan na lupa. Nagalangan pa kaming iakyat yun dahil bago palang nga kaso lahat nung kasama namin na sasakyan na revo, adventure, tucson eh hindi nakaya kaya napilitan kami tapos nagsiksikan ung ibang kasama namin sa likod. Medyo nahirapan dahil umuulan pa tapos stock tires lang ang gamit. Pero kinaya naman.

    Minsan nga lang parang nakakahiya sa street namin dahil kabilang kanto palang rinig na ung makina ng sasakyan pero ayos lang sakin dahil mas "MACHO" para sakin pag ganon hehehe. Tsaka ito ung pinakacomfortable na sasakyan na nagkaron kami. Ung mga lubak parang wala lang compared na pag ginamit ung ibang kotse namin pati ung seats ang sarap din upuan. Ang medyo ayaw ko lang ay ung plastic na interior kahit sa LS model ganun din.

    Sayang naman kung hindi pwede ung tuning chip medyo gusto ko naman kasi mapalakas ung Dmax dahil sa lahat ng sasakyan namin sya ung pinaka "bare" tsaka ung L300(di naman kailangan). Yung sound sana ang uunahin ko kaso ang ganda naman na ng tunog. Looks lang sana tsaka ung performance.

  6. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    479
    #6
    Quote Originally Posted by LeBRONghini6 View Post
    Ang tibay talaga ng DMAX sir! yan lang tsaka yung L300 at adventure na diesel ang gumana sa mga sasakyan namin matapos yung ondoy. Kaso pagtapos nun tumigil din nahaluan yata ng tubig yung gasolina. Tsaka 4x2 lang ung amin pero natatandaan ko first 3 days palang samin inakyat na sa sobrang putik na daan tapos matarik dahil may titignan na lupa. Nagalangan pa kaming iakyat yun dahil bago palang nga kaso lahat nung kasama namin na sasakyan na revo, adventure, tucson eh hindi nakaya kaya napilitan kami tapos nagsiksikan ung ibang kasama namin sa likod. Medyo nahirapan dahil umuulan pa tapos stock tires lang ang gamit. Pero kinaya naman.

    Minsan nga lang parang nakakahiya sa street namin dahil kabilang kanto palang rinig na ung makina ng sasakyan pero ayos lang sakin dahil mas "MACHO"para sakin pag ganon hehehe. Tsaka ito ung pinakacomfortable na sasakyan na nagkaron kami. Ung mga lubak parang wala lang compared na pag ginamit ung ibang kotse namin pati ung seats ang sarap din upuan. Ang medyo ayaw ko lang ay ung plastic na interior kahit sa LS model ganun din.

    Sayang naman kung hindi pwede ung tuning chip medyo gusto ko naman kasi mapalakas ung Dmax dahil sa lahat ng sasakyan namin sya ung pinaka "bare" tsaka ung L300 (di naman kailangan). Yung sound sana ang uunahin ko kaso ang ganda naman na ng tunog. Looks lang sana tsaka ung performance.

    Hahahaha TUMPAK-na-TUMPAK sir!!!!
    Non-commonrail kasi mga DMax 4JH1-TC natin kaya talagang tunog-diesel ahihi.... lalong umiingay nga yan habang lumuluma
    ....Wika nga nga ng isa sa mga puting kasama namin dito, "more diesel-like sounding among all our pickups, the most durable, and most precise-handling pickup i've ever driven.... also prefer the visibility on the DMax."

    Sadyang mas maganda nga sir suspension DMax 4JH1-TC at mababa ito kaysa sa mga Ddi-iTEQ ngayon ---- napakatagtag ng mga bagong DMax ngaun, ngunit bentahi naman ng mga bago, medyo malakas ang makina at tahimik.

    Basta habang kinakargahan ang mga DMax, kahit sa akyatan pa, lalong bumibirit mga yan. Sa rough road at akyatan nga dito sa trabajo, naka-4H ako palagi at lalong sumisikad ang DMax dahil sa ganda ng traction sa 4-wheel-drive. Hindi umuurung mga yan sa kargahan at akyatan, sir.... GARANTISABOG!

    Tamang-tama lang ang lakas ng DMax sir, hindi ito mahina at hindi sa malakas na malakas. Sa haba ng powerband nito (peak torque distribution along the rev range), kahit hindi ganyan kalakas ito, guaranteed ang torque mo at traction ng gulong que diinan mo ang apak mo sa silinyador o kahit i-relax mo pa ng kaunti ----
    Kasi que mapa-2500 rpm ka o baba ka ng 1500 rpm, buong-buo ang peak torque nito na guaranteed sa 280 Nm (4JH1-TC). Every ounce of power per rpm is distributed effectively onto the wheels of the DMax because it has a broad torque range, kaya kayang akyatin yan mga tahakin na hindi kaya ng mga iba.... Mataas ng kaunti ang horsepower at torque at mas mahaba ang peak torque range ng 4JJ1-TC Ddi-iTEQ DMax kaysa sa 4JH1-TC DMax. Basta DMax hindi ka mapapahiya lalo na sa fuel-efficiency

    Kung nais mo pa sir ng power sa DMax 4JH1-TC at sakaling hindi puede mga diesel EFi-tuning chip, gaya ng Unichip (ito ay according mismo kay Mr. Ferman Lao ng Speedlab Racing at Top Gear Phils.), baka puede mong pa-adjust ang turbo.... Madaming expertong diesel mechanic/ tuner na nag-aadjust ng turbo.

    Ngunit, hintayin pa rin natin ang DMax iTEQ VGS Turbo (4JJ1-TCX) na dumating sa Pinas hehe



  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,642
    #7
    Yung mga suggestions na ni renzo_d10 and hinDMaxsiado basically covers it. Maige din to moderately accessorize your D-Max para di maging hadlang sa business mo (either makadagdag ng bigat ang accessories or maging limitation sa mga isasakay mo)

    Isang naisip ko ay yung pagpalit ng mga gulong mo tulad ng Yokohama Geolander na standard na ginagamit sa mga kasalukuyang D-Max na binebenta ngayon. Stick to the current rim size. Maayos naman yun design ng rims ng D-Max. Kapag nilakihan mo kasi size ng rims, maaari pa etong makaapekto sa performance ng pick-up mo.

    Post mo pictures ng upgrade mo dito kapag nagawa mo na. Good luck!

  8. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    6,237
    #8
    Nagtataka ako. Yun bang 4JH1-TC ay tulad sa 4JA1 at 4JB1 na hindi pa electronically controlled? Bakit kaya hindi pwede ng piggyback ECU? Ang alam ko kasi basta EFI pwede, kahit hindi CRDi. For aesthetic upgrades I'd suggest a front bullbar along with foglights and 265/70/R16 tires like in the Boondock Edition and perhaps a large tow hook at the rear. Performance upgrade naman, aftermarket air filter at kung hindi pwedeng i-chip, dagdag boost sa turbo. Malaki-laki na rin ang mararating ng ganon.

  9. Join Date
    Mar 2011
    Posts
    479
    #9
    Quote Originally Posted by Benzmizer View Post
    Yung mga suggestions na ni renzo_d10 and hinDMaxsiado basically covers it. Maige din to moderately accessorize your D-Max para di maging hadlang sa business mo (either makadagdag ng bigat ang accessories or maging limitation sa mga isasakay mo)

    Isang naisip ko ay yung pagpalit ng mga gulong mo tulad ng Yokohama Geolander na standard na ginagamit sa mga kasalukuyang D-Max na binebenta ngayon. Stick to the current rim size. Maayos naman yun design ng rims ng D-Max. Kapag nilakihan mo kasi size ng rims, maaari pa etong makaapekto sa performance ng pick-up mo.

    Post mo pictures ng upgrade mo dito kapag nagawa mo na. Good luck!
    Yes Boss LeBRON, +2 ako dito sa suggestion ni Boss Benz.

    Also sir, kindly post pics of your upgrades! hehe


    Quote Originally Posted by GTi View Post
    Nagtataka ako. Yun bang 4JH1-TC ay tulad sa 4JA1 at 4JB1 na hindi pa electronically controlled? Bakit kaya hindi pwede ng piggyback ECU? Ang alam ko kasi basta EFI pwede, kahit hindi CRDi. For aesthetic upgrades I'd suggest a front bullbar along with foglights and 265/70/R16 tires like in the Boondock Edition and perhaps a large tow hook at the rear. Performance upgrade naman, aftermarket air filter at kung hindi pwedeng i-chip, dagdag boost sa turbo. Malaki-laki na rin ang mararating ng ganon.
    +2, heto muna gawin mo Boss LeBRON ---- pa-adjust mo turbo (alam ko ini-stiffen nila ang spring, ngunit hindi pa ako nagpa-adjust ng turbo), at palit ka ng K&N air filter na pang-DMax 4JH1-TC. Sa K&N palang makakahinga na ng husto ang DMax.

    Depende din sa budget mo sir for the 4JH1-TC, puede ka magpalit ng mas malaking intercooler, mag-upgrade ng aftermarket turbo at exhaust. May mga iilan na rin sa DMax Club of the Philippines (sa Facebook page) na ginawa na nila ito. Yung iba, sinubukan din nila ang alcohol-injection.

    Naka-K&N air filter (washable/ reuseable) nga pala ako sir sa DMax's ko at tiyak magugustuhan mo as the "minimum" upgrade. Basta kapag-nilinisan mo sir, kailangan medyo i-oil bath mo (after cleaning and natural air-drying) kasi malalaki ang slits at pore sizes nito kumpara sa mga paper-type OEM air filters natin. May nabibili K&N sa Speedlab Racing, Quezon Ave., isama mo na rin sir ang shampoo na panglinis para sa K&N at spray-type na oil. Standard linis ay every 10,000 km travel, pero nililinis ko akin every 5000 km. Banayad lang naman sir ang paglinis at kamay gamit ko sa timba na may tubig at air-filter shampoo. Nilulublob-lublob ko lang naman ang air filter, sabay air dry na sa labas. May OEM air filter ako reserva kada linis ng K&N.

    Next project ko naman ay magpalagay ng diesel-EFi tuning chip sa Ddi-iTEQ, whether sa Speedlab Racing or sa DTS. Pinagpipilian ko pa....

    Goodluck sa mga upgrades mo sir!




  10. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    408
    #10
    Di po ba mas lalong iingay ang makina pag naka K&N air filter? sa DP Chip pwede yata ung makina ng dmax natin kaso 50k yata ung price. Magkano po ba magagastos sa mga mods na sinabi nio? ung pa adjust ng turbo, ung K&N air filter, mas malaking intercooler, aftermarket turbo, and ung exhaust. I have no plans on making the mags bigger. Gusto ko sana pachrome nalang then new set of H/T tires. Maganda din kaya lagyan ng chrome items?

    San po nakakakita ng mga items na sinabi nio sir or pagawaan.

Page 1 of 2 12 LastLast
MODS for Isuzu Dmax 2004