
Originally Posted by
aioshin
kapag isuzu mechanic matanong mo, ang advise, overhaul na yan - dahil natanong ko na rin sa highlander ko, una, dahil meron nang leak, pangalawa, malakas na engine blowby, yung talsik dun, due to blowby, kung mag pa replace ka ng oil seals, posibling mag leleak parin dahil di kayanin ang pressure sa loob nung engine blowby, kaya lang ang mahal pag isuzu. Yung ibang mekaniko naman outside isuzu, sabi, kayang top overhaul, dukot lang yung gawin sa piston at ayusin piston rings, dahil daw baka di na ok... yung iba naman, tanung sa yo, may hatak pa ba? nakakaakyat pa ba? nauubusan pa ng OIL? kung sagot mo, may hatak pa.. nakakaakyat pa naman, di naman nauubusan nang oil, sasabihin, depende sa yo, kung meron ka budget overhaul, then why not, kung wala naman for now, hintay hintay lang na aabot sa puntong wala nang hatak, di na makakaakyat tsaka ka aabot sa puntong yan.