New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 14
  1. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    30
    #1
    Mga pare, may question lang ako tungkol sa 4x4 trooper, I got my 97 trooper V6 last week, sinubok ko ang 4x4 nito. From 2H to 4H nagshift ako, ok naman ang andar pag diretso ang manibela, kaso pag nililiko ko na may tumutunog sa ilalim, parang kumakarugkog pag kinakabig na ang manibela.

    Normal lang ba ito? Ano ang mga dapat kong gawin?

    May sira na ba trooper ko pag ganun?

    Need help guys, first time ko kasi na makagamit ng part time 4 wheel drive. Wala pa ako experience sa ganito.

    Thanks!

    Otorijima

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Hindi pwede gamitin on paved roads or roads ang 4wd ng Trooper.

    What you experienced is a phenomenon called 'binding' (look for it on the net).

    Use 4wd only on slick or loose surfaces (e.g. off-road).

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #3
    Congrats in acquiring a fine piece of 4x4 equiptment.
    Welcome to the Trooper Club. Otorijima

    tama si otep, binding effect ang tawag diyan dahil kapag lumiliko mas mahaba ang travel ng isang gulong kesa isa. kaya nag o-occur yan
    saka wala tayong center differential lock.

    use your 4Wd on slick and loose surfaces.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #4
    nakasisira ng drivetrain yung binding, so for part-time 4wd vehicles, engage 4H and 4L only on loose surfaces like otep said. that includes sand, mud, gravel and loose rocks, etc, but don't engage it on asphalt or concrete, kahit baha sa daan kunwari.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #5
    wala palang center diff ang trooper....

    i thought meron silang mala-CRV na gizmo?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    816
    #6
    PJkid

    Wala pa yan ganyan model,..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #7
    yung parang 'dial' yung 4x4 selection (kalimutan ko boks yung pangalan nung system)?

  8. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    30
    #8
    Ahhhhh, ganun pala yun, salamat sa mga reply nyo mga pare ko, sinubok ko lang kasi kung gumagana ang 4x4 ng trooper ko, ngayon alam ko na. Maraming maraming salamat!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #9
    Pag may EB or trail ang grupo sumama po kayo, mas marami kayong matututunan. :D

    Auto hubs ang Trooper di ba? Makakatulong din yung pag atras ng ilang metro, para mag disengage yung front hubs. Ilagay nyo po muna sa 2H mode bago umatras ng diretso.

  10. Join Date
    May 2004
    Posts
    33
    #10
    pajerokid, baka you're referring to the tod (torque on demand) system... sa pagkaka-alam ko di ata sila nagpalabas ng ganyan sa pinas.

Page 1 of 2 12 LastLast
Isuzu Trooper 4x4 question