Alam mo naman yan si OB dream job nyan maging Gigolo sa Europe. So bawal sa kanya mapikon kasi dapat willing sya kung ano man gawin at ipagawa sa kanya, mala Deuce Bigalow...
I need big/loud horns because I go on long drives on a weekly basis. Pag yung stock horn lang, hindi naririnig ng mga nagtricycle/kuliglig/motor or bata na ginagawang playground yung highway. Or sa expressway, malayo pa lang rinig na ng mga truckers/bus.
Whenever in the city, I only use it when someone is unaware that I am coming. Maraming ganyan dito, di tumitingin sa side mirrors or hindi gumagawa ng head/shoulder check when driving. Hindi pa nagsisignal. Kung maraming pinoy drivers lang ang marunong ng proper driving etiquette/courtesy, edi sana wala masyadong nagbubusina dito sa Pilipinas.
Tsaka pag mahina ang busina at binusinahan mo ang jeepney or tricycle driver na nagbaba ng pasahero sa gitna. Deadma lang. Pag malakas, tatabi sila
Ganun talaga. Pag tunog tricycle ang busina mo di ka papansinin. Ako napansin ko yan dun sa stock horn ng Altis ko vs. nung pinalitan ko nung Nautilus type na horn. Dun sa stock, dedma lang. At least dun sa Nautilus nagugulat pa kahit papaano.![]()
Yung horn di ganun ka critical to cause that, fog lamps and yung mga powered subs ang delikado kapag hindi maingat ang electrician.
That's what I thought as well. Pero kung nagdagdag ng relay, that could cause a fire if it bursted/shorted/grounded.. Naka direct connection sya sa battery usually yung wire binabalot lang sa positive and negative terminals, di na nilalagyan ng in line fuse yung relay which is a vital part as well.
Sa isang banda, mas delicado pa kung nilagyan ng relay kung hindi marunong ang nagkakabit at mababa ang rating ng wires na ginamit at yung relay mismo. Masusunog talaga.
Yung original harness ng auto, may fuse na yun so hindi basta pag-uumpisahan ng sunog. Kung overloaded man, puputok lang yung fuse.
I always bring with me a cutter/pliers And size 10-12 na open wrench...
Muntik masunog yung sasakyan ko... Buti nalang may cutter ako.. I just cut the line
Kapag mag lalagay kasi ng inline fuse, mas malapit sa source at mas malapit sa minimum rating required, mas maigi.
Any updates guys sa cause nung fire? Kpag casa ba un nagkabit ng aftermarket part sagot ng insurance un pagkasunog ng vehicle?
Kakilala ko owner ng MUX na yan otw sila sa trinoma. Ang alam ko nagpakabit sila ng aftermarket headlights