Hehe. Bagal ng ivan. Kelangan pa mag slow down ng maaga kasi hindi pwede mag late braking. And hindi din pwede ihataw sa lubak kasi lilipad kaming mga nasa likod.
Rescue truck ang usual na gamit sa ivan. Andun yung jaws of life. And ang takbo niya kadalasan ay to the nearest hospital. =)
Nagtest drive ako at friend ko ng isuzu ivan before holyweek. Meron sila test unit sa quezon ave casa (tapat ng hitop). Papaxerox lang license, wait for 10mins at pwede na umikot sa subdivision sa likod ng isuzu.
First impression ko ay maganda naman passenger seats kc parang comfortable sa batok dahil sa headrest.
Pangit lang sa 16-seater layout ay yung 2 solo chairs sa right side na malapit sa door at sides ng van. Hindi comfortable upuan. Nakalabas ng kaunti pwet mo (di ako mataba). Yung right shoulder at braso mo parang compressed din sa right side wall ng van. Di comfortable. Yung ibang row ng seats ok naman. Basta hwag lang mataba makatabi mo. Sa headroom at legroom ok din.
Awkward yung door na di sliding for a van. Di ko gusto.
Pag start pa lanb ng engine, ang ingay ng engine sound at lakas vibration. Truck na truck ang dating. Ok naman aircon sa front at radio. Pero yung sanden aircon sa likod ayaw lumamig agad. Sabi kailangan pa daw ihataw. Pero after 10mins test drive, sabi ng kasama ko na umupo sa likod, di naman daw lumamig. Pero baka dahil slow drive lang kami sa subdivision at di naihataw sa major roads. Sabi naman ng isuzu agent, nabyahe daw nila yun sa malayo at talagang maipagmamalaki nya lakas ng aircon.
Natuwa ako sa size ng ivan kc parang mini bus at jumbo tignan. So expected ko ay malakas talaga hatak at ok response ng makina. First time ako nag drive truck based van at di ko nagustuhan Acceleration. Parang nahihirapan makina sa bigat ng van. Smooth lang pag 3rd gear na. 1st gear ayaw na pumasok basta umusad na van kahit mabagal. Kailangan pala total stop van bago pumasok sa 1st gear. 2nd gear naman parang naghihingalo pa din at bitin. Ride comfort kahit slow drive lang is terrible as a driver and as a passenger.
About sa sales agents at hospitality, ok mga employees doon pati guards. Mabilis kami naasikaso sa test drive at computations at sa approval ng loan.
Namimili ako between ivan and hiace commuter. Kaya napasyal ako sa forum na ito. Sa dami ng negative comments dito at sa mga nakita ko na rin personally, 80% hi ace na ako kahit di ko pa nakikita actual unit at di ko pa na test drive. Natitira ko na lang reason para bilhin ivan ay dahil gusto jumbo size nya compared sa hiace. Astig tignan pag mukhang mini bus. 2nd reason ay dahil sabi ng marami, tipid maintenance dahil simple engine at nagkalat parts anywhere sa pinas.
Btw, I was also impressed with the payload of this ivan. Naisip ko perfect for deliveries ng kahon kahon na sabon, mantika at dishwashing liquid. Kaso lang na turn off ako ng sinabi ng agent na di folding seats. At di rin daw pwede unscrew. Kutob ko nakahinang. Di ko na inspect kc folding seats din hanap ko. Kaya in other words, sayang payload kung di magagamit sa cargo in case di naman lagi puno ng tao yung van. Yung hi ace commuter kc pwede daw unscrew seats. At least pwede ko gawin dual purpose yung van para sa passengers at cargo.
Share ko lang experience ko kaya ako nagpost dito. Baka sabihin nyo naman, puro basa lang ako at extract ng info sa forum na ito. Bago man lang ako umalis ay makapag contribute ako kahit kaunti. Forums really do have an influence in deciding which vehicle to buy. Thank you sa lahat ng comments nyo dito. Dami ko rin natutunan.
sayang nga yun effort sa design di maganda maingay at matagtag...mas gusto ko pa yun urvan kahit luma na yun design...kahit mukang malaki parang konti naman yun maikakarga...mas ok pa yun isang NHR nila my body
Salamat sa suggestion. Nagpunta na ako sa casa ng mitsubishi, toyota at hyundai, at jac para tignan fb style vehicles nila. Para sakin, pinaka maganda design both exterior at interior ay yung hyundai h-100. Parang sedan at di mukhan truck dashboard, steering wheel at seats sa front.
Pero mas gusto ko pa rin van style na may full seats with headrest at hindi parang puj seating layout kc sa long trips, cgurado uncomforable yun.
Ayoko rin seats ng hi ace commuter dahil masikip legroom. Wala headrest at di rin nare-recline all rear seats. Kaya back to hunting na naman ng alternative 14-seater or more na van. Galing na ako sa foton kanina. Doon ko na lang post sa foton thread comments ko
imo parang maganda lang ivan pang school bus, ambulance, etc. yes it's got character and gallantry of an isuzu. but not "galant" as the commuter that could be taken to an evening ball.
KAtulad ng sinabi ng ibang nagpost dito, ok lang ivan kung di ikaw or family mo ang gagamit. Malayo kc talaga yung comfort compared sa ibang vans tulad ng mga nasakyan ko na ginagamit sa gt express. Kahit parang sardinas kami sa loob, hindi kasing ingay at tagtag ng ivan
Just when I thought I would not be seeing an I-van in the months to come, I saw 2 in the same morning, yesterday. Hahaha! 1 in ortigas, and 1 in makati. It doesn't seem as imposing as, say, a Super Grandia, but it is chunky. Pwede nang macho kung sa macho. But look were all I had, coz both were parked when I saw them.
*ronronsantos,
FB style nga ang kelangan for cargo hauling. Yung dating Starex H-1 na bare for business purposes, ok din sana IMO. You could get a Commuter and do some conversion on the seats. Instead of a 15 seater, you could ditch the last row and adjust a bit accordingly so you get a bit more legroom and still have cargo space.
sir, may alam kang talyer na nagmo modify talaga ng seats ng van? Yung tipo na kaya nila gawin any configuration na gusto mo at readliy available materials like jumpseats, upholstery at folding mechanisms? Mahirap rin kc pabutusan floor ng kotse kung saan-saan kc baka kalawangin pag di maayos pagkakagawa.*ronronsantos,
FB style nga ang kelangan for cargo hauling. Yung dating Starex H-1 na bare for business purposes, ok din sana IMO. You could get a Commuter and do some conversion on the seats. Instead of a 15 seater, you could ditch the last row and adjust a bit accordingly so you get a bit more legroom and still have cargo space.
Now we know the inspiration, Centro and Isuzu Phil used for their I-Ban.
first time ko nakita ivan in person. no offense, parang surplus yung dating. ang sagwa rin nung bintana.
Finally saw one in person. Mehhh. Looks like promotional van kasi balot na balot ng "i-van" na sticker.
Cringed at the front fascia, cringed at the side door, cringed at the rims, hay....
When I'm driving the MB100, I always tell myself this has got to be way better than the I-Van. And the MB140 (long wheelbase) was also capable of seating 15 persons in relative comfort.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
Sayang naman yung effort sana pinaganda pa nila at dinagdagan ng quality.
Di OK ito. Mahina ang hatak dahil sa bigat ng kaha at doble aircon, di gaanong kaya ng 2.8L engine. Siguro sana nilagay nila yung 4.3L. Yung isang ninong ko merong Isuzu NKR with the 4HG1 engine na ginawa niyang FB body for business use. Nilagyan niya ng dual aircon at pinamodify yung likod para malagyan ng removable captain seats. Mas maganda ata yung ganon kesa sa i-Van.