
Originally Posted by
aioshin
Mag share lang ako. Meron ako post dito matagal na... tungkol sa hilander ko na namamatayn na lang bigla makina kapag natagalan nasa almost 2 ang rpm. Kahit naka kwarta ako, tapos may chance na namamatay makina, nilagyan ko na nang inline fuel filter yung hose going to water separator para maunahan ng filter, ganun pa rin. Pina baklas ko fuel tank, palinis, ganun pa rin, yung last option ko, pa check ip, yun nadali, pinasok na pala ng oil from engine yung ip via its shafting. Pina overhaul ko ang ip gastos 10k. Ngayon, ala na akong problema... solved na. Ulit lang: problem: namamatay makina habang tumatakbo lalo na mataas na rpm.
Sent from a mobile device.