New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 40 of 72

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #1
    Sana hindi off-roader yung owner ng 2001 Fuego, hehehe. I'm still waiting for a call from my brod-in-law kasi kapatid nya daw ang pupunta at mag-check nung Fuego. Sana okay yun para yun na. between the '98 and the '01, mas better choice ciguro yung '01 even with 25k difference in price. Sana maka bigay ako sa inyo ng magandang feedback bukas....

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #2
    Updates: pinuntahan ng friend ng bayaw ko yung 2001 Fuego, inunahan siya ng owner na may nag-offer daw ng 560k hindi niya tinaggap, hindi nalang nag offer yung tao at nagbolahan nalang sila kasi way below yung 450k offer namin. Tiningnan ng bayaw ko yung '98 Fuego 4x4 last monday kasama ng mekaniko at kinilatis nilang mabuti. A1 condition naman daw, may chrome roof rack, chrome side step boards, bedliner, electronically operated sunroof at original pa lahat incl. paint. Normal naman daw yung mga gasgas, walang ding major dents at 83T km yung mileage. Recommend nila na okay na kahit yung owner ayaw ng ibaba yung price na 425k. Bukas kukunin na ng bayaw ko yung pick-up at next week, baka andito na siya sa amin. Maraming salamat talaga sa mga payo ninyo.

    P.S. ano nga bang dapat nating gawing initial maintenance activities pag bagong bili yung second hand vehicle para makasigurado?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    53
    #3
    [QUOTE=electronically operated sunroof at original pa lahat incl. paint.

    [/QUOTE]

    Hi Sir, Is the sunroof original? I hope not, alam ko walang sunroof ang fuego, otherwise, baka imported (?) eto.

  4. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    83
    #4
    Ang alam ko din walang sunroof ang mga fuego kahit d-max wala pa akong nakitang naka sunroof.

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #5
    NovicE at howee, merong sunroof, electronically operated at na-test din ng bayaw ko. Hindi ko rin naiisip na wala ito sa ibang fuego ah. Imported kaya ito? hindi ko natanong. pero itong fuego na ito ay company car nung may-ari tapos binili nya from the company at kaya matagal nabenta, eh inaayos pa nya yung papeles nya at sa ngayon okay na at tamang-tama yung timing namin. i have some pictures, i tried to upload 2 pics sa attach files options sa additional options ng thread na ito but not sure if tama ba ang ginawa ko. paano nga pala maglagay ng pics dito sa reply post? Try ko itong insert image button, script ang lumabas at hindi ko alam kung anong isulat, hehe..help...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    53
    #6
    Habagat 88, I have been following up fuego models years ago. In fact I own a 2001 A/T 2.8 li 4x2 fuego but I never encountered one with sunroof. Just a precaution, it could be converted subic surplus. Just make sure you are buying a good one.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #7
    Howee, thanks a lot for the advice. My bayaw will be picking it up today, i told him to ask the owner about the sunroof. Are there really subic surplus fuego's? as mentioned, nagdala sila ng mekaniko to check the fuego and wala naman silang report na surplus or converted yung fuego at okay naman daw yung papers. Di ba pag surplus galing Japan may mga Japanese character stickers at markings sa vehicle? If ever surplus yun baka LHD na surplus, okay din ba yun?

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    24
    #8
    Quote Originally Posted by Habagat_88
    Howee, thanks a lot for the advice. My bayaw will be picking it up today, i told him to ask the owner about the sunroof. Are there really subic surplus fuego's? as mentioned, nagdala sila ng mekaniko to check the fuego and wala naman silang report na surplus or converted yung fuego at okay naman daw yung papers. Di ba pag surplus galing Japan may mga Japanese character stickers at markings sa vehicle? If ever surplus yun baka LHD na surplus, okay din ba yun?
    HI Habagat. Mukhang oks ang deal na yan a. at 83km lang since '98? alaga talaga. Just check for the smoke belch nito. Pag maitim na baka kailangan mo na calibrate. Mine is a 4x2 but malakas ang hatak. I hope yours is too kahit mas luma kesa sa akin.

  9. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    108
    #9
    sana tinest nyo yung sunroof kung nag leleak pag nabasa. medyo maselan magkabit ng sunroof.

  10. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    474
    #10
    *habagat 88 -- wala pa bang pics? =) post ka naman kapag nakuha mo na!

    yup...better make sure na leak-free ang sunroof or else...problema yan.

    i also have not seen any imported Fuego so far...imported isuzu and other brand of pickups differ in one way or another with the local counterpart and it is really not hard to distinguish them. usually nakikita ko na imported pickups are the space cabs.

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #11
    Oo nga Initial-"Dito", although hindi ko pa nakita ng personal (sa pictures lang), mukhang okay talaga. Marunong naman tumingin ng 2nd hand vehicle yung bayaw ko at alam niya yung mga dapat tingnan. feedback lang nya medyo hindi gaano malinis yung loob kaya ipa-detailing nya pagkatapos. At okay din daw ang makina, sabi nya walang daw major repairs nagawa duon at maganda daw pero maingay (trademark ng isuzu). Jai, may blow-up picture ako sa sunroof, okay naman yung mga edges, walang stains or other evidence na nababasa siya. sana nga walang leaks. eh kung mag-leak, e condemn nalang siguro at lagyan ng sealant. Tiningnan ko rin mabuti yung blow-up pic ng dashboard, parang stock original din lahat at hindi converted. Hindi pa nag-feedback sa akin bayaw ko if nakuha na niya. Ipa lilinis rin nya yung aircon, change oil & filters at ibp before ship sa amin.

    BeetOls, paano ba mag-post ng pics dito mismo? may pics ako pero hindi ko alam kung paano i post. salamat...

  12. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    474
    #12
    sir click nyo lang yung Insert Image option (yung yellow icon on top) if you use the advanced text editor to reply.

    eto yung format nya [img]address ng pic[/img]

    you have to get an online storage first where you can save your pics. try cardomain. and then link from there...gulo ba? hehehe.

  13. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #13
    sir beetOls, na upload ko na 3 pics sa cardomain. it can be viewed by with the ff info: 1998 Isuzu Pick-up, member: Habagat_88. andito narin the 2 pics, na kita ang sunroof. maraming salamat sa tips mo sir...

    BTW, nakuha na ng bayaw ko kagabi yung pick-up at inaayos na nya before ipadala sa amin. excited na akong makita at masakyan ang pick-up...



  14. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #14
    Updates lang po... dumating yung Fuego ko sa amin 2nd week ng June, happy naman ako sa overall condition niya. Pero madami din repairs nagawa before na-i ship sa amin: ni-repair yung injection pump (delivery valve, face cam, rotor, oil seal, accelerator, gaskets), crankshaft pulley/dampener & oil seal, clutch (pressure plate, clutch disc, release bearing, pilot bearing), 2-front shock absorbers, fan belts, gaskets, fuel filters & other small items.

    Wheww, nakadagdagan ang budget, umabot ng almost 40K yung repair incl. labor + 16K shipment cost. Buti na lang pinahiram muna kami ng bayaw ko pang-repair, at sa Maynila na na-diskobre yung mga dapat ayusin, kung dito sa probinsya ginawa malamang mas malaki pa ang repair expenses. Ang galing daw mag-tago nung dating owner ng mga defects at malamang hindi tama yung odo nya na 84k+ km lang. Well anyways, okay na ngayon yung Fuego. Sa city driving naka 9.2km/ltrs ako, okay ba ito? Naka off-road na rin ako ng tatlong beses at malakas talaga sa akyatan. Kaso lang para yatang nahalata ko na may tunog yung front wheels at nabutas yung CV boots at medyo may play yung manobela. Pag straight lang ang takbo hindi mahalata, but if mag-turn ka kahit 45degrees lang, parang may knocking sound. Baka may deperensya ang mga tie rod ends and iba pang moving parts sa front wheels. Ipapatingin ko ito sa mekaniko pag maka-ipon ako ng pambili ng parts, hehehe. Delikado ba ito (ma-affect yung other moving parts) or puede pang gamitin city driving? Ask ko lang, if sa Maynila bibili ng mga ganitong mga parts instead of dito sa province, makasigurado ba tayo na tama yung makuhang parts kahit hindi na magdala ng sample? May mga websites ba na makatulong ng pag-identify ng correct parts? Balak ko kasing magpa bili sa kapatid ko ng OEM parts dyan sa Manila.

    Yung sunroof pala gumagana talaga (electronically operated) pero parang hindi original, pinakabit lang pero ayos naman ang pag-kakabit, malinis at walang leaks.

    Salamat sa mga inputs nyo mga sirs...

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #15
    Quote Originally Posted by Habagat_88
    Naka off-road na rin ako ng tatlong beses at malakas talaga sa akyatan. Kaso lang para yatang nahalata ko na may tunog yung front wheels at nabutas yung CV boots at medyo may play yung manobela. Pag straight lang ang takbo hindi mahalata, but if mag-turn ka kahit 45degrees lang, parang may knocking sound. Baka may deperensya ang mga tie rod ends and iba pang moving parts sa front wheels. Ipapatingin ko ito sa mekaniko pag maka-ipon ako ng pambili ng parts, hehehe.

    sayang dapat nung nandito pa sa manila yang pickup nakita na yang mga problema na yan. anyway congrats sa bago mong 2nd hand pickup. if ever bibili ka ng parts may mga markings naman yan for you to identify kung tama yung bibilhin mong pampalit. kung wala na yung marking dahil sobrang luma na, dalhin mo na lang yung papalitan para sigurado kang tama mabibili mo.

    dagdag lang, kung dito ka sa manila magpapabili, kunan mo na lang ng pics yung parts na papalitan para sigurado. ;)
    Last edited by jim; July 11th, 2006 at 12:23 PM.

  16. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #16
    Sir 4JA1 ba yang makina ng Fuego mo?

  17. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #17
    Sir 4JA1 ba yang makina ng Fuego mo?

  18. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    2,059
    #18
    if the CV boots are torn better replace them right away. kay kung ito ay masira ito ay napakamahal. original rubber boots around 10k for the set, replacement mga 1200. I guess 4JB1-T ang engine mo since 4wd and fuego na.

    minsan lang nasisira ang injection pump ng isuzu unless water contaminated talaga ang fuel. Saan ba pina ayos ang mahal naman.

  19. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #19
    Sir, 4JB1-T siguro ang makina, hindi kasi ako well versed sa mga ganyan.

    Thanks Arb for the advice, i'll try to replace it asap. Yung expenses pala includes other misc like alarm & actuator, camber correction/caster adjustment & wheel alignment, rear bumper pvc extension, change engine/transmission/gear oil & filters, tints for 2 windows, rubbing/cleaning materials, and various oil seals, repair kits and fuses. Medyo madami kasi ang inayos para maibalik sa magandang condition yung fuego. Sa ngayon, except for the CV boots and the knocking sound pag-mag turn, okay naman siya.

    Nag-scan nga ako ng mga past forums dito para at least makakuha din ako ng tips kung paano e-maintain yung ride ko, ang dami ko ng natutunan dito talaga...very informative for newbie diesel ride owners like me... yung question ko nga pala kahapon, can anybody give an answer please? TIA

    Ask ko lang po, yung butas sa rear stepboard ng fuego kaya po ba itong mag-tow ng trailer? Up to what capacity? Sinubakan ko kasing e-tow a 1-bagger concrete mixer using a shackle connection, parang okay naman. My brod in Manila went to Subic last Sunday & bought a stainless steel tow ball w/ nut for me for 19.99 USD. May partner pa daw siyang attachment pero mas mahal at 60+USD at hindi na niya binili dahil medyo wala sa budget at puede naman daw e-fabricate.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #20
    Quote Originally Posted by Habagat_88

    Ask ko lang po, yung butas sa rear stepboard ng fuego kaya po ba itong mag-tow ng trailer? Up to what capacity? Sinubakan ko kasing e-tow a 1-bagger concrete mixer using a shackle connection, parang okay naman. My brod in Manila went to Subic last Sunday & bought a stainless steel tow ball w/ nut for me for 19.99 USD. May partner pa daw siyang attachment pero mas mahal at 60+USD at hindi na niya binili dahil medyo wala sa budget at puede naman daw e-fabricate.
    paki-correct na lang po ako kung mali, i think yung butas sa likod can hold a 5 ton load. mas maganda nga kung pafab ka na lang, yung naka-konekta sa chassis mo para matibay.

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Isuzu Fuego [Merged]