Bumili po parents ko nang 2nd hand na '07 XTI LE sa Quezon City. Sa Butuan City po bahay namin at ibinyahe nila mula Quezon papunta samin. Kaso po, papuntang Liloa, Leyte napansin nila ung rattle sa bandang likod. Pagdating nla sa Liloan, Leyte dun pa po nila napansin na iba na yung tailgate. Black pa rin yung kulay kaso halatang luma na yung paint, wala na ung badge at spoiler. Hinala nila, ninakaw daw yun sa loob nang ferryboat patawid nang Visayas. May naiba rin daw po sa mga side mirrors. Sa ngayon, di na nila inaalala na pinalitan yung tailgate, ang concern nila ay kung may replacement part ba ang mga nanakaw na side mirrors at tailgate.
Patulong po kung:
1) San po makakakuha ng OEM/2nd Hand na Tailgate at pair ng side mirrors? Magkano po ung average price? Paminsan minsan po kasi, lumuluwas papa q sa Maynila para sa mga conference nila.
2) Possible po ba na ikabit yung Tailgate na katulad nung sa Sportivo na may wheel carriage? O bolt po on yung wheel carriage? Sabi po kasi ni papa, it came with a wheel carriage /w tire cover nung binili nila. The catch is, iniwan yung reserbang gulong, ibinalik sa ilalim at yung wheel cover inilagay sa ilalim ng 3rd row. (Naawa? LOL!)
Medyo mahal po kasi sa Isuzu CdeO. Salamat po mga sir.
Parang hirap naman atang paniwalaan 'to. Saktong may spare tailgate na parehong kulay naka-stock sa ferry? Di nakalock ang pinto? Wala man lang nakapansin na may ginagawang milagro sa deck?
ninakaw na pinalitan pa ng luma, kung ganoon ninakaw na lang sana, baka naman sa iba nag karoon ng switching, like sa mga pinagagawaan ninyo ng sasakyan ninyo.
Sir JohnM at Sir raine, di ko po alam yung full detail nang pangyayari. Di po ako nakasama sa roadtrip kasi may pasok kami at di ko pa po nakita yung actual item na binili nila kasi wala po ako sa amin ngayon, nasa Cagayan de Oro po ako ngayon, pasensya na po. kahit kaming dalawa ni papa naguluhan sa nangyari.
Any ideas po saan makakabili nang murang replacement? Ill-fitted po kasi ung nakakabit sa item. Salamat po.