Pick-up ko ay Isuzu 96 LS diesel 4x2. 2 years ago, pinalitan ng salbaheng mekaniko ang IC regulator ng alternator kasi ayaw mamatay ang ilaw sa battery/charging, pero ang tunay na sira at grounded rotor. Replacement lang ang IC at di original ang naikabit. Ang problema ayaw pa rin mamatay ang ilaw kaya by-pass na lang ang relay ng charging. Dati, automatic mag charge kahit d apakan accelerator basta normal na oil pressure. Ngaun, kailangan rev pa para mag charge. Pwde kaya remedyuhan at maibalik sa dati gamit replacement IC? Isa pa, sa alternator ba galing signal ng tachometer? nag luluko ksi madalas na kapalo sagad sa kanan needle kahit normal idle. Sana matulungan nyo ko. Thanks!