New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 29
  1. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    30
    #1
    Gandang umaga mga ka-Tucson,


    Meron po akong 4 month old na Tucson GLS AT model. As of today, naka 5k checkup na sya and odo reading is around 5500km. Last Saturday my familiy went to Tagatay for an overninght stay. Medyo tanghali na kami umalis at kailangan kong bilisan ng konti since may isa pa kaming familiy na kasama at nauna na doon sa place na pupuntahan namin. Habang binabaybay namin ang Sta Rosa-Tagay Road which is mostly a uphill road, nag umpisa na akong mag overtake kung safe at maluwag. Suddenly, eto na, I overtake once again at medyo hinabaan ko ang distance para makasunod ang ibang vehicle. And after that I went to my proper lane kasi may kasalubong na, but before it happens, a cruising Toyota 1.3 Vios got my attention. Kasi sa sobrang bilis nya hindi ako makakablik agad sa linya ko, at ito na, I had to step up on my gas para umusad pa ng husto. And there it goes, my RPM hit the 4k and then 5k+ mark and a white smoke emmitted out to my Tucson. Grabe, bakit ganon? Kelangan bang mamuti ang usok pag ganon kataas ang RPM? I never experienced this on my previous car especially yung 2000 CR-V ko. It also hit more than 5k RPM but nothing happen. And this is what I noticed since day one of my Tucson. Sobrang bagal ng response pag uphill, ang diin na ng tapak mo sa gas (syempre tataas RPM) but to no avail, hindi agad humahatak. Nakakatakot tuloy um-overtake, parang mag e-engine blow sa taas ng RPM. Any comment on this is very much appreciated mga ka-Tucson. Sensya na ang haba ng kwento ko. God Bless !!!

  2. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    466
    #2
    hehe, galing ah napansin mo yung white smoke habang nagd-drive ka at umoovertake. baka nga benta mo na yan brad

  3. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,553
    #3
    oonga e. actually buti na notice mo yung white smoke. unless na lang super dami ng smoke na yun.

  4. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    447
    #4
    i noticed white smoke on my IS300 even a idle...
    minsan meron minsan wala..
    hindi ko nalang pinapansin...
    dont fix what ain't broken...

  5. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    466
    #5
    yung white smoke minsan depende kasi sa weather yan. kung asa tagaytay ka at malamig/foggy, mukha talagang white smoke yung lalabas sa kotse mo kasi mainit yung exhaust. since malamig at moist yung hangin, ang labas ng usok ay white.

    pero ang galing lang kasi talaga na napansin ni TS yung white smoke mula sa tucson niya while overtaking at 5K rpm at walang hatak

  6. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    30
    #6
    baka ganon na ang gawin ko brad pag di naayos to ni Hyundai mismo

  7. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    30
    #7
    Quote Originally Posted by mda_ View Post
    yung white smoke minsan depende kasi sa weather yan. kung asa tagaytay ka at malamig/foggy, mukha talagang white smoke yung lalabas sa kotse mo kasi mainit yung exhaust. since malamig at moist yung hangin, ang labas ng usok ay white.

    pero ang galing lang kasi talaga na napansin ni TS yung white smoke mula sa tucson niya while overtaking at 5K rpm at walang hatak
    almost 1pm na nung time na yon at tirik ang araw, kaya wala ng fog. Bad trip lang kasi ako pa tinamaan

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    501
    #8
    does elevation affects combustion? Kasi on higher elevation, manipis na yong hangin. Sa pagkakaalam ko, smoke of that magnitude is due to fuel burnt improperly.

    Pero I could be wrong, and we'll leave it na lang to the experts, and better have it checked immediately para madiagnose agad if indeed may problema yong makina...

    Just my 2 cents though.

  9. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,740
    #9
    Pa diagose test para sigurado warranty naman yan, no problem.

  10. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    30
    #10
    Quote Originally Posted by meikey View Post
    does elevation affects combustion? Kasi on higher elevation, manipis na yong hangin. Sa pagkakaalam ko, smoke of that magnitude is due to fuel burnt improperly.

    Pero I could be wrong, and we'll leave it na lang to the experts, and better have it checked immediately para madiagnose agad if indeed may problema yong makina...

    Just my 2 cents though.

    ...Ganon na nga po ang gagawin ko this week. Habang naka warranty pa. I hope this is not a lemon car. First time ko magkaroon ng brand new na vehicle. Ganito pa mangyayari.
    Maraming salamat po sa mga input nyo....

    Correction na rin po sa thread title ko : RPM po hindi PRM

Page 1 of 3 123 LastLast
White Smoke at 5k PRM - Tucson IX GLS AT