Tumingin ako sa Hyundai Pasig this afternoon, may available unit na white premium diesel. Medyo bad trip lang ako dun sa nakausap ko kanina, kasi parang pinagpipilitan nya na kunin ko na yung display unit na premium diesel e ang gusto ko lang naman yung GL 2wd A/T gas tapos sabay banat na di raw sigurado kung kelan magkakaroon kesyo matagal pa ang hintayan etc etc. Di ko na pinatulan kasi next year pa naman namin balak and we still have to sell our Gen 2 CRV first. Pero maangas ba talaga sales rep ng Hyundai Pasig? Kasi the last time na nandoon ako was the time na bagong labas yung Tucson IX tapos napansin nung ahente na GS CVX ang sasakyan ko sabay tanong ba naman kung bakit ako bumili ng gray market na wala naman warranty, sinagot ko na 5 years din ang warranty nyan, ayaw pa rin ako tigilan kaya sinagot ko nalang "gusto mo isampal ko pa sayo ang warranty booklet nyan "
Ganun nga sila, bro.
Wag ka maniwalang di alam kung kelan dating ng GL 2WD A/T. Eh may shipment nga nung Friday haha![]()
kung saken nila binigay yan.. edi hindi sila nakatikim ng malulupit na mura saken!!! masasapak ko na nga yung s.a. namen jan eh.. hahahaha
O wag na maghinagpis brad.
Masakit talaga pag winalanghiya ng S.A.
Lipat dealer ang solution, diba?![]()
Salamat Pajoz and SG.. Sayang may nakausap na kasing ibang agent wife ko.
Grabe yung kausap namin dun (Not EJ).. he called us back today at meron na daw na darating this week na GLS unit.. Para makuha namin, we have to pay in Full. So i think its acceptable naman to release the unit to us.. pero ang panghuling bitaw nya, kailangan sa kanya kami kumuha ng INSURANCE !!Wala na ngang free tint plus eto pa.. Else di raw niya maibibigay sa amin unit.. Abuso na talaga itong mga ahente na to.. porke in-demand ngayon Tucson.. di ko na itinuloy sa kanila.. Maghintay na lang ako dito sa suking casa ko sa Las Pinas. Kesa feeling na inargabiyado ako..
![]()
nakapag-pa reserve na kami sa ibang dealership.. one week longer lang naman and delivery pero nabigay naman lahat ng standard freebies.. thanks SG / Pajoz
Mga sirs. Share ko lang. SA from Hyundai Las Pinas texted me and told me na may avail na raw na Tucson CRDi sakanila not sure kung ilang unit or what variant. Baka may gusto kumuha sainyo tawagan nyo na and inquire na kayo. Ang pagkaalam ko waiting list pag dating sa CRDi pero the fact na nag text sya meaning may avial nga siguro![]()
saan mas maganda kumuha ng diesel na tucson?
sa HARI or sa Pitstop?
tsaka magkano price difference nila?
mas better sa Hancars. projector na headlights nila and nag sasariling parking![]()
I noticed about the price in Hancars is not consistent and the features also vary from shipment to shipment. It all depends on luck and fate.