Future Tucson owners and Tucson owners na hindi pa registered, visit naman kayo dito mga paps..
http://tsikot.yehey.com/forums/forumdisplay.php?f=175
http://autos.groups.yahoo.com/group/tucsonph/
Future Tucson owners and Tucson owners na hindi pa registered, visit naman kayo dito mga paps..
http://tsikot.yehey.com/forums/forumdisplay.php?f=175
http://autos.groups.yahoo.com/group/tucsonph/
sir SG, ano po ibig sabihin nyo dun na dahil Que Ave yung branch? kung hindi po recommended ng mga tucson owners dito, baka po may recommended kayo na nearest dealer in metro manila and/or bulacan? tia po!
Nasubukan mo na ba sa E.Rodriguez? Kaso medyo mataas din ang D.I nila. 1.5% na siguro pinaka mababang maibibigay nila. Look for Babes (Ba-Bes) Macalos or Marilyn Del Castillo. Sabihin mo kilala ka ni Ladyrider.
At alam ko walang stock ngayon ng GL M/T. Mukhang pare-pareho ng ugali ang mga SA nila.
At kung talagang mabait ang SA, kayang kaya ibigay ng 0.5%!![]()
Last edited by Starex_Gold; September 8th, 2010 at 07:04 PM.
ganito nalang bro, with regards sa acquisition ng tucson iX ko, im located sa valenzuela area, nearest dito is either abad santos or balintawak, talked to both first and its all plain BS. guess what, i got mine from dasma cavite pa, kahit mas malayo dinayo ko pa. why?
first, mas madaling kausap
2nd, mas better deal ang nai-offer saken
3rd, of course more value for money.
4th, i got a unit allocated to me even without reservation.. san ka pa? e yung others require you to reserve at least 5000 pesos, yung iba sobrang kapal ng muka mga 20,000 daw dapat para ma i reserve ka sa pila.
^ I totally agree with NighthawkGT.
Ako rin malayo sa Dasmarinas, taga Paco ako. Manila Bay at Otis ang pinaka malapit sa akin. Same experience, Una sa E.Rod, hindi kami nagkasundo sa D.I. Then sa Q. Ave naman, puros ka-barberohan yung SA, panay paasa na may unit na pero wala naman.
Tapos napunta ako sa Dasmarinas Cavite..
- Si EJ at Sir Luis (Boss nilang lahat), pumayag sa lahat ng conditions ko.
- Sagad ang freebies na binigay.
- 1% ang DI.
- Walang waiting. (Kung meron man, palagi ka updated)
- No Reservation Fee
Hindi ko man nakuha yung inoorder kong unit, masaya naman ako. Kahit medyo napa-mahal sa pagbili
At eto pa napansin kong pinagkaiba nung SA ko sa Q.Ave at si EJ..
Q. Ave SA: "Sir may dumating na shipment, andun na unit niyo, this wednesday ang pullout"
EJ Sibayan: "Sir wala talaga ako makuha na GLS 4WD, CRDi Premium lang nakuha ko, kukunin niyo na po ba?"
or
"Sir may paparating this week kaso hindi sure kung anong variants, update kita sir pag dating sa planta."
Kapag DI what does that mean? Yun ba yung commission ng sales agent?
thanks po mga bossing sa mga inputs... very helpful po talaga.
*sir sg
tinry ko po tumawag mismo sa HARI para mag-inquire kung san pwede mag test drive, and dun po sa E. Rodriguez nila ibibigay yung contact number ko to schedule for a test drive. pag na-contact na nila, tsaka ko po sasabihin yan referral. pwede na rin po sa kin yung GL na matic.
*sir nighthawk
baka nga mauwi din ako nito sa dasma kung ganyan po kaganda yung offer sa inyo. thanks po!
DI = Dealer's Incentive sa Financing.
More DI, mas malaki ang kumisyon ng dealer at agent. Pero dapat mas marami din ang freebies na ipapamigay sayo. May mga agents na garapal talaga. Malaki na ang DI, konti pa ang freebies.
Kung ako sa kanila, gayahin nila si EJ Sibayan. :thumbup: :clap:
In short, Q.Ave SA : Pure BS and talksh*t.
Dasma : Honest. Reliable and ... HONEST, ulit. :hysterical:
I bought mine at QA di naman bull$***... But of course buying a Santa Fe is one thing, buying a Tucson with an endless line is quite another!
Ah ok, so kung cahs payment wala ng DI. And I assume DI only applies to in house? So kung bank PO ka wala na din silang DI?
Tidus: Kung bank PO, mas tatagain ka nila sa DI.
Ako binigay ni EJ yung pinaka mababang DI na pwedeng ibigay. Kaya yung Loan interest ng 5 years ay same rate lang ng 3 years.
At eto pa pala.. Higher DI = Higher Financing Interest, In-House or Bank PO.
Si EJ at Rev ang very honest SA doon. Kahit PMS mo na de-assist ka pa. Hindi tulad ng ibang SA, tuwing babalik ka doon hindi ka man lang ngingitian o papansinin.
very nice, indeed, yung service ng mga taga dasma, especially si EJ Sibayan (very popular sa mga Tucson members, as what i've read from here). will try din po kontakin yung dasma. nasa "saving stage" pa naman po ako ngayon (not enough down payment), gusto ko lang po magpa-reserve just in case na mahaba ang list.
yung DI or dealers incentive, yan yung binibigay ng bank sa mga dealers as "incentive" or parang balato dahil sa kikitain ng bank sa customer na bumili ng koche sa dealer. mostly nasa 0.5% lang ito. no questions ask yan, basta yung 0.5% naka allocate talaga yan sa dealer. so the DI, is between the bank and the dealership, internal transaction nila ito.
may ibang mga makakapal na muka na dealers at S.A. na humahangad ng DI na abot langit, na sa customer pa ipapashoulder yung DI na hindi maibigay ng bank sa kanila. so kung baga, kumita na sila dun sa koche, gusto parin nila kumita sa transaction ng bank tsaka yung customer. i see that as foul. oo nga business is business pero hindi naman dapat ganyang ka garapal. imagine 5% DI of a GL CRDi will amount to 69,000 pesos! so sumo total kung kakagat ka sa kanila yung unit mo na 1,380,000 + 69,000 + 12000 na lto + 36k++ na insurance, so total that it will amount to almost 1.5M na!!!
sabi nga ng dad ko e, sobrang yabang naman ng hyundai ngayun, palibasa nilalangaw lang sila dati kasi walang pumapansin sa mga koche ng hyundai dati.
bato bato sa langit ang tamaan pikon.![]()
Ah so naka factor in na yan sa interest rate na ipapatong sayo over time. Thanks for the calcification. Now we know why cash buyers are 2nd class citizens...
naku walang kwenta din ung SA ko dyan sa Q ave...nung d pa kami nag kakabayaran ang sipag at maasikaso tapos nung makuha ko na ang tucson ko pag may request ako pahirapan na..kaya d nako uulit dyan![]()
thanks po sa mga inputs regarding the Q. Ave branch... any feedback naman po sa Hyundai E. Rodriguez branch? ok po kaya dun mga SA or may mare-recommend po ba kayo?