Results 231 to 240 of 480
-
August 31st, 2010 05:07 PM #231
may nag sabi saken na mas sinisita daw yung mga maliliit na sasakyan pag wala pang plaka?
naka tucson IX ako sabi daw hindi kami sisitahin kasi malaki naman yung sasakyan?at mas takaw huli daw yung mga i10.
pero dapat hindi ka nila pwedeng hulihin nun kasi yung LTO or yung hyundai naman talaga yung may problem. kung wala pa yung CSR ng unit, ibig sabihin nadelay sa hyundai yun. pero yung sa iba like honda, CBU din naman yung ibang unit nila pero ang bilis ng plaka.
-
August 31st, 2010 07:19 PM #232
bought my hyundai March 23, 2010, more than 5 months wala pa rin plates.
-
August 31st, 2010 07:47 PM #233
Naexperience na namin yan... sa pnp checkpoint sa me quirino avenue around 10pm...
heto po yung ibang paguusap namin...
Pulis: Sir, no plate no travel policy tyo... pano kung maaksidente tyo di nakarehistro sasakyan nyo...
Ako: Sir, di pa nabibigay ng agent ko yung plate number namin eh...
Pulis: YUng revo ko nga, december namin nabili, january me plate number na...
Ako: iba naman noon sir saka ngayon... wala pa daw plate number at sticker sabi ng agent ko... Saka Me delivery receipt ako dito sir, saka di lang naman ako ang bumibyahe ng walang plaka...
Pulis: Sir, up to two months lang validity nun.
- duda na ko... sabi contrast na agad sa sinabi nya nun una na no plate no travel...
Ako: Wala pang 2 months tong sasakyan ko sir... saka me extension na ako dito... (pinakita ko na sa kanya lahat ng documents ko)
Pulis: One month lang pde ibyahe to...
Ako: Huh? di ba sabi nyo two months?
Pulis: Sinong me sabi? Wala akong sinabing 2 months... 1 month lang...
Ako: Me delivery receipt nga po ako... andyan po pati extension letter...
Pulis: Bigay mo sa akin lisensya mo
Ako: bakit ko sir ibibigay? anong mali ko?
Pulis: Walang plate ka...
Ako: Me OR/CR/DR at extension letter nga ako di ba sir...
Pulis: cge mag intay ka dyan papacheck ko sa bata ko...
Ako: (nag intay na lang kami... medyo matagal din parang pinipilit na mainip kami at bumaba ng sasakyan... after 5 minutes bumalik...)
Pulis: Ikaw ba si "pangalan ng nakarehistro kotse"
Ako: Father ko yan...
Pulis: Bat di mo ibigay sa akin lisensya mo?
Ako: bat ko nga po ibibigay eh wala naman akong ginawang kasalanan?
Pulis: (umalis ulit)
Ako: (nag intay ng mga 10-15 minutes)
Pulis: cge sir blotter ko na lang...
Ako: (oks lang sa akin na blotter... wala naman kaming pinirmahan)
Pulis: (Umalis na ulit)
Ako: (nakalimutan kong kunin pangalan nya gusto ko sana kunin so di agad ako umalis... binalikan kami)
Pulis: Umalis na kayo... nablotter ko na lang yan
Ako: Sir, anong pangalan nyo
Pulis: Di mo nga sa akin binigay lisensya mo ibibigay ko syo pangalan ko...
Ako: (kulit nun pulit binigay din naman lastname nya)
Isa pang pulis: sir pde na po kayong umalis... wala na po to....
----
Bakit ganun... ang tagal ko nang nagdridrive ng walang plate number... kahit sa makati umaga di kami na sisita...
saka nun kausap nya ako nun una di sya sa akin nakatingin habang nagsasalita... bat ganun...
manila's finest naman talaga...
kala nya makokotongan nya ko...
-
August 31st, 2010 07:51 PM #234
-
August 31st, 2010 07:52 PM #235
F'in Cops! mga walang alam iyan.
they are just fishing, nagbabakasakaling kabado at walang alam yung driver.
-
September 1st, 2010 11:18 PM #236
Thats why wala bilib mga tao sa Philippine Police, ayusin kasi nila ang training nila.
1. siege attack palpak
2. violating human rights, na video pa
3. wala alam sa law or violation terms. hayhayhay. P-Noy, ayusin na yan.
kawawa naman mga hyundai owners, bago car, wala naman plates. parati hot sa mga enforcers na wala alam kondi mag racket. (hindi lahat ha)
kasi naman SG, hindi mo hinintay ma release plaka ko, nauna ka kasi.
-
September 1st, 2010 11:24 PM #237
Kasalanan ko ba mauna plates ko.
Kabado si EJ nung tumawag sa akin..
Una niyang sinabi "Sir magagalit ata si Sir Rally sa atin neto"
-
September 1st, 2010 11:30 PM #238
yon sa akin 2 1/2 months na nag follow up esmi ko kahapon humingi sa akin ng authoriztion letter para daw sa pag process at pag release....kailangan ba talaga yon at bakit ngayon lang?...sa toyota wala naman hiningi sa akin na letter basta pag release ng unit after 3 weeks naka dhl dumating sa pintuan ng bahay namin...4 kotse ko puro toyota lahat ganon 3 weeks lang....
-
September 1st, 2010 11:34 PM #239
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2008
- Posts
- 366
September 1st, 2010 11:57 PM #240My tucson till now wala pang CSR as per my agent told me. Then my agent told me that since tucson arrived tumagal na ang registration sa mga hyundai cars. May conflict ang HARI sa LTO at custom. Since gusto nila na walang lagayan kaya raw iniipit ng LTO at custom ang HARI.
I just want them the plate release then ako na maglakad sa LTO regarding my plate. Since special double digit lang din as same with my all cars. Pero wala pa silang maibigay.
cadogan's aussie accent threw me for a loop. :help: :grin: anyway, do you guys agree w/ ...
Advanced Driver Assistance Systems (ADAS) /...