Thanks to this thread, will never buy a hyundai.
OT, pero curious lang. Andaming korean parts seller sa banawe nun huling dumaan ako. Makikita mo na ba karamihan ng parts ng mga korean cars dun ngayon, ala toyota?
Balitaan mo kami sir sa resulta ng DTI. Marami kasing ahensya ng gobyerno ginagamit yung mga ganyang formal complaint para hingan ng pera yung nirereklamo, tapos lulutuin na yung kaso kapag nakatanggap na ng lagay. Sana nga namumukod tangi DTI pag dating sa corruption.
Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 2
Hayaan nyo sir post ako ng feedback...posible po yang mangyari. Kaya nga kahit matapalan ng pera ang dti...ok lang at least nakabawi kame sa hari dahil naabala at sumakit rin ulo nila. Pero hindi rin ako papayag na basta basta na lang sila makalusot. Ipapasundot ko ito sa mga kaibigan ko sa media. Kung sakaling tatapalan nila lahat...malaki pa rin ang gagastusin nila...mas malaki kesa sa aayusin nila itong sasakyan ko.
In the end..kamot lang sila ng ulo...na sana inayos na lang nila kesa gumastos pa sila ng malaki. Dahil di naman papayag sa pabarya-baryang lagay ang mga yan lalo na iisipin ng dti at media na ang laking kunpanya nila...yung rack and pinion magkano lang yan kumpara sa itatapal nila sa lahat ng lalapitan kong agency...baka kulangin pa 100k nila para sa mga panlagay nila...
Depende rin kasi sa pyesang pinapawarranty...Yung kay sir starex gold brake switch lang po kaya madali silang kausap lalo na nasa 3 to 4 digits lang ang amount kumbaga pa-pogi points para lang masabing may warranty...pero pagdating sa pyesa na ang amount is 5-digits up na...mahirap na ring kausap ang mga yan. Pahirapan na din sa pag claim for sure. Kung ayaw talaga palitan ni hari yan..wala rin magagawa ang mga dealer...ang problema lang kasi sa hyundai n.e. mga unprofessionals ang mga tao...mga sinungaling.
Hmm, masalimuot yan bro. Mahirap paniwalaan mga magagandang ads at kung ano-anong commercial values na galing sa mga dealer.
Simula sa technician nila pag nagcomplain ka, alibi agad ang maririnig o tipong walang alam sa complain mo. So, kailangan talaga alam mong ipaglabang ang complains. Of course pag may pinalitan na pyesa sigurado may appropriate documents yan na nagi-state ng replacement. Kung wala nun meaning walang pinalitan.
Finally, you have my symphaty bro. Thats why I'm not convince to own Hyundai cars because "I still dont feel so"!
Last edited by Noel Salisipan; August 11th, 2013 at 08:43 AM.
.................................................. ........................
Last edited by Noel Salisipan; August 11th, 2013 at 08:45 AM.
Actually, daming problema talaga mga hyundai dealers... Swerte lang nila talaga at medyo bumebenta ang mga units nila otherwise, lalo sila mahihirapan sa pagbenta..
May kilala nga ako, kilala na sa HARI at sa dealership nya, nagkaproblema pa sa warranty.. Lumipat na lang siya ng ibang dealership.
walang kwenta talaga warranty ng mga dealer ng HARI yung sa akin naman na over tighten ng mekaniko yung nut ng hub bolt parehong nakaskas yung tread ayaw nilang palitan kasi papalitan daw yung buong suspension sa likod gusto nilang mangyari ngayon ipasok sa insurance ko. 3 months na wala pa ring nangyayari
Kay HANCARS na lang kayo kung gusto nyong mag Hyundai wag kay HARI.
pag dating sa piesa di kailangan mag hintay nang matagal ang customer kasi pwede naman kumuha ng piesa sa ibang unit hehe
halimbawa nagcomplain ang customer sira ang alternator so pina-pa-warranty... madali lang yan... kukuha ako ng alternator sa ibang unit sa display ko
paayos ko yung sirang alternator at ilagay sa display unit. di naman malalaman ng bibili na na-repair ang alternator![]()
Tapos kung bumigay yung sirang alternator, same cycle. Mabango pa pangalan niya kasi madali kausap sa warranty.![]()
Hyundai is good until it breaks down within warranty... That is when hell starts...
Sent from my iPhone using Tapatalk
kaya as an importer sugal talaga magbenta ng brand new na walang supporta ng manufacturer
wish mo talaga walang major problem mga pinarating mo
buti kung no warranty makakatulog ka nang mahimbing pero syempre pag brand new binebenta mo kailangan may warranty
(i wish meron mga customer nagsasabi "sagad mo na ang presyo kahit walang warranty") --- kahit konting kita lang ok na wala naman stress
kaya siguro yung mga malaking importer they have layers of bureaucracy para hindi umabot sa itaas ang mga complaints hehe
Last edited by uls; August 11th, 2013 at 03:15 PM.
Uls, question.. I know that HARI didn't start as an exclusive distributor (they simply started out as an official distributor much like HANCARS, etc.) but are they now? Hyundai's global page that links to the Philippines lists HARI as an exclusive distributor on the lower right corner (Hyundai Philippines | Hyundai Asia Resources, Inc. - The Official Distributor of Hyundai Automobiles in the Philippines).
Si Hancars naman kasi importer lang talaga ng Hyundai since 1998. Hindi sila distributor.
i really don't know ano ang arrangement ng HARI with Hyundai
HARI could be getting units directly from Hyundai factory (but i'm 100% sure smaller importers do not get units directly from Hyundai factory)
the question is does HARI get after-sales support from Hyundai factory?
i mean does the factory send HARI free replacement parts when HARI reports factory defects?
or does HARI have to pay for the parts?
baket hirap na hirap ang HARI mag fulfill ng warranty? (based on the number of complaints)
hindi tinatamaan ang profit margin ng HARI kung nakakakuha sila ng free replacement parts from Hyundai factory
so baket ang behavior nila parang luging-lugi sila tuwing may palitan piesa?
Actually pati si TMPi hindi ma-control yun pagdating ng mga Dubai / Ukraine version ng Prado at LC200.
Sa iba't ibang brand na dumaan sa amin, isa pang mahirap kausap... HONDA![]()
isa pa --
kung nakakakuha ang HARI ng units from Hyundai factory dapat mas mura ang retail price nila kesa sa mga gray market importer
gray market importers get their units from Korean dealers so syempre mas mataas ang presyo kesa factory direct
if HARI gets units directly from Hyundai factory mas mababa puhunan nila so dapat mas mababa presyo nila
hindi ako nagchecheck ng presyo pero mukhang competitive naman ang presyo ng mga gray market importer
so either mas malaki ang profit margin ng HARI kesa sa mga gray market importer
or hindi galing sa Hyundai factory mga unit ng HARI
Last edited by uls; August 11th, 2013 at 05:50 PM.