New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    315
    #1
    We've just bought a Hyundai H-100 for our delivery service. During its 5000th km PMS, I've decided to bring along some Micking Fully Synthetic Diesel engine oils that my relative from Subic bought for me. They only cost 2k for 6 liters so I've decided to shoulder the corkage fee anyway so as to retain the warranty.

    Heto na ngayon ang problema. Sabi nung isang kakilala ko, may mga casa raw ng Hyundai na namimitik ng engine oil, lalo na yung mga casa na dadalhin sa pinkaloob yung kotse at hindi ka papahintulutang pumasok. Medyo naalarma ako kasi bukod sa under warranty pa yung H-100 namin, may mga Hyundai fleet din kasi kami na sa casa ipinapagawa. Isama na rin dito yung mga casa na gumagamit ng lubricants na hindi pasado sa requirements ng Hyundai (e.g. gear oil na SAE 90 samantalang 75w85-90 ang requirement kaya antigas ng shifting, diesel oil na CF-4 samantalang CH-4+ ang kailangan ng CRDI).

    Totoo ba itong nangyayari? May naka-experience na ba nito sa inyo? Kung medyo sensitibo o kaya mag-name drop ng casa paki-PM sa akin yung pangalan ng casa na yun at nang maiwasan. Kinabahan tuloy ako kasi madalas pa naman akong magdala ng lubricant galing labas.

    Thanks in advance!

  2. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    134
    #2
    This is very true! Yung mechanic ko dati he tried to sell me fully synthetic oils, filters, brake pads, etc. lahat nakaw sa hyundai. This is what they do they won't do anything with your car tapos pag test drive nila kunwari itatago nila yung mga nakaw na items sa loob ng sasakyan tapos ibaba nila sa kasama nila na naghihintay sa labas kaya hayun instant raket na. Meron pa ngang instance na fuel injectors mga napitik nila para sa Grand Starex, this is why I'm so afraid to have my car serviced sa casa.

  3. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,747
    #3
    ^ Kaya hindi ako papayag na hindi puwede tignan ginagawa sa sasakyan ko. Mabuti na yung sigurado ka.

    http://www.michang.co.kr/eng/image/p...POWER_CI-4.pdf

    Ganda pa naman ng oil mo TS kung papalitan lang nila ng CF-4 rated oil.
    Last edited by Ry_Tower; June 21st, 2012 at 12:15 PM.

  4. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    240
    #4
    ^ pano sir pag talagang ayaw pumayag ng casa na magpapasok sa service area for safety reasons... hanap na lang o lipat ng ibang casa?

  5. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,747
    #5
    Quote Originally Posted by Thumbdrive View Post
    ^ pano sir pag talagang ayaw pumayag ng casa na magpapasok sa service area for safety reasons... hanap na lang o lipat ng ibang casa?
    Lipat ng ibang casa sir. Just paln the PMS well para hindi hassle sa'yo. Yun bang maluwag ka sa sched at sure na magagawa agad.

    Sa umpisa lang mahirap yan pero kapag nasanay na casa sa iyo at yung mga gusto mo, mabilis na rin.

  6. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3
    #6
    I had an experience where, on my first PMS, the SA tried to cheat me out of about 2 liters of engine oil. Ang nangyari, inilista nung SA sa charging bill na 5 liters yung ilalagay sa Accent 1.4 ko. Eh kulang-kulang 3.3 liters lang ang capacity ng makina. Nagreklamo ako. Ginawang 4 liters. Nung matapos na yung PMS, ni hindi man lang isinauli yung sobra, samantalang sinabi kong isang galong Helix Ultra yung bibilhin ko.

    Ayoko na ngang bumalik do'on. Nakakawala ng tiwala. Hanap na lang ng ibang casa. Hyundai Pasig yung casang tinukoy ko. Kaya ko pa naman sinadya 'yon dahil magaganda yung feedback sa casang 'yon.

    Quote Originally Posted by Revenant View Post
    We've just bought a Hyundai H-100 for our delivery service. During its 5000th km PMS, I've decided to bring along some Micking Fully Synthetic Diesel engine oils that my relative from Subic bought for me. They only cost 2k for 6 liters so I've decided to shoulder the corkage fee anyway so as to retain the warranty.

    Heto na ngayon ang problema. Sabi nung isang kakilala ko, may mga casa raw ng Hyundai na namimitik ng engine oil, lalo na yung mga casa na dadalhin sa pinkaloob yung kotse at hindi ka papahintulutang pumasok. Medyo naalarma ako kasi bukod sa under warranty pa yung H-100 namin, may mga Hyundai fleet din kasi kami na sa casa ipinapagawa. Isama na rin dito yung mga casa na gumagamit ng lubricants na hindi pasado sa requirements ng Hyundai (e.g. gear oil na SAE 90 samantalang 75w85-90 ang requirement kaya antigas ng shifting, diesel oil na CF-4 samantalang CH-4+ ang kailangan ng CRDI).

    Totoo ba itong nangyayari? May naka-experience na ba nito sa inyo? Kung medyo sensitibo o kaya mag-name drop ng casa paki-PM sa akin yung pangalan ng casa na yun at nang maiwasan. Kinabahan tuloy ako kasi madalas pa naman akong magdala ng lubricant galing labas.

    Thanks in advance!

  7. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    28
    #7
    So far sa akin yung casa na pinupuntahan ko ok naman. Puede ka manood sa service area kung gusto mo pero I don't find it necesary dahil sa loob ng customer's lounge nila meron malaking tv that shows the car being service. So kung gusto mo panoorin yung car mo habang ginagawa doon ka lang sa loob ng lounge at airconditioned pa.

  8. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    119
    #8
    Quote Originally Posted by Black Hornet View Post
    So far sa akin yung casa na pinupuntahan ko ok naman. Puede ka manood sa service area kung gusto mo pero I don't find it necesary dahil sa loob ng customer's lounge nila meron malaking tv that shows the car being service. So kung gusto mo panoorin yung car mo habang ginagawa doon ka lang sa loob ng lounge at airconditioned pa.
    san casa ka pre??


    Oo ganun talaga sa HYUNDAI PASIG... kahit na almost 1 liter yung sobra hindi nila binabalik sa owner...

    Mag name drop na kayo. May mga employee ng HYundai na nagbabasa rin dito sa forum. Para naman matauhan yang mga mokong na yan.. :furious

  9. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    28
    #9
    Quote Originally Posted by Veilside View Post
    san casa ka pre??


    Oo ganun talaga sa HYUNDAI PASIG... kahit na almost 1 liter yung sobra hindi nila binabalik sa owner...

    Mag name drop na kayo. May mga employee ng HYundai na nagbabasa rin dito sa forum. Para naman matauhan yang mga mokong na yan.. :furious
    Hyundai Alabang sir. Hyundai Las Pinas ok din dati doon ako before lumipat sa Alabang parehas lang naman may-ari at mas malapit kasi sa akin.

  10. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    115
    #10
    ^sir eto ba yung malapit sa wilcon?

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Hyundai casa na namimitik ng engine oil?