ot lang po. meron na ba ka pag blank ng egr ng hatch? It is appreciated if meron makapag feedback. Thank you in advance
ot lang po. meron na ba ka pag blank ng egr ng hatch? It is appreciated if meron makapag feedback. Thank you in advance
observe nyo sir if maulit yung incident. baka lose connection lang, possible yung relay ng low pressure fuel pump or yung low pressure fuel pump mismo.
possible din yan ang prblm pero kadalasan loss of power pag barado fuel filtet, kulang sa hatak sa higher rpm, hirap umakyat engine speed sometimes may white smoke sa tambutso. pag egr naman barado black smoke ang usok. by the way new accent mo right? pa check mo sa casa ung sinabi ko. HTH lang po.
Last edited by weisshorn; December 17th, 2014 at 08:48 AM.
May instance sa Grand Starex ko na biglang namatay engine which I suspect na contaminated yung fuel na napakarga ko. while moving on a slow traffic biglang nag off engine, after few seconds nung nirestart ko umandar naman. Culprit is the fuel filter ay madumi na dahil sa contaminated diesel na naparkga ko sa Petron
*allyzone I sent you a pm re: SA for Hyundai. She does not do hard selling like other SA's
Mga sir, help me naman. 10k check na kc bukas ng hb ko kya oil change na. Gusto ko sana gumamit ng store-bought oil kya syempre todo kontra yung tech rep, although pwde naman pero my P1.5k corkage
Good decision po ba 'to? Medyo tight kasi ang budget chka hindi ako tiwala dun sa langis ng hyundai na hgmo lang yung naka-sulat sa resibo. Tapos tama po ba synthetic pinaka-magandang langis para sa force induced crdi?
Salamat po!
Pwede bang lapitan yung unit mo habang ginagawa nila ang service? Kung pwede, lapitan mo ang unit mo at tingnan mo kung Fully Synthetic nga ba na oil ang nilalagay nila sa unit mo then magtanong tanong ka sakanila. Obserbahan mo kung paano ginagawa ang change oil para pag end ng warranty pwede sa labas na ng casa mo ipa-change oil or ikaw na lang mismo gumawa ng change oil.
Na-uto kasi ako nung tech rep nung 1k check. Sabi nya pag fully synthetic lalagay ko, sa 10k pa next c/o. Yun pala, e dapat within 3months ko daw kinuha yung pang 5k para good pa for another 5k yung langis. Mali ko naman, now ko lang naisip, di ko tinanong kung my option ba ako wag muna pa-c/o, sa 10k na lang, na hindi din naman nya binanggit.
Sabagay mananakot lang naman sila na hindi nila guaranteed walang magiging problema yung makina pag hindi ako sumunod tapos todo himas naman pag susundin ko sila.
Sir, magkaka-peace-of-mind po ba kayo pag lagi nilang sasabihin (paulit-ulit, actually) na walang warranty yung makina pag nasira kasi hindi ako gumamit ng hgmo nila? Tapos papi-pirmahin ka ng waver na wala silang sagot pag nagka-problema. Aba e nakaka-paranoid po yun na baka meron sila gawin na hindi tama.
Newbie po kasi ako sa maintenance kya po tinatanong ko po kayo mga expert na sa ganito. :D
Nasa interes nila na hgmo gamitin ko kasi kikita sila. Kung meron naman po procedure na tama lang sa makina, at hindi ganun kamahal (P6k kada change oil), yun po sana gusto ko hehe...![]()
*totoy06, ang Fully Synthetic pwede umabot ng 10k to 15k kms kung most of the time highway driven yung sasakyan. Kung stop and go lagi sa traffic, city driving, better every 5k kms ang palitan mo nang oil.
Yung sa hatch ko, every 10k kms ang gagawin ko oil change (fully syn) pero I make sure na every 5k kms papalitan ko yung oil filter.
Sa oil naman, kung may corkage fee din naman ang pagdadala mo nang sariling oil, better kung HGMO na lang ang gamitin mo. Hindi ka rin kasi makakatipid kasi may cork fee. Saka kung Fully Synthetic din naman ang bibilhin mong oil, eh mahal din naman ang mga yun, hindi ka rin makakatipid.
Unfortunately, for all of us who buy brand new cars, hawak tayo sa yagbols dahil sa warranty. Yung warranty is there to keep the car in top shape & in case parts fail & have to be replaced. Sakin naman, pinalitan yung parts na nasira for free. Syempre, para sa kanila, business side rin kasi lahat naman tayo kailangan kumita, DBA? Pero isipin mo rin kung bakit yung mga accent na taxi units, Hindi provided ng warranty ng Hari/Hyundai maski kikita sila ng malaki dun sa buwanan na c/oil. Ako naman, inalam ko kasi details ng warranty bago ko binili unit ko. Ang nakakatakot na PMS ay yung 20k at 40k kasi yun ang talagang mahal.
^^^
So true. Dahil sa warranty na yan kaya lagi tayo tinataga ng mga dealers. Pero business is business, ganyan talaga.
Every 20k kms yata ang talagang major PMS. Lahat yata ng fluid eh papalitan, tapos isama mo pa jan ang air filter, a/c filter, fuel filter, etc.
Sa taxi units naman palagay ko kaya hindi yan covered ng warranty kasi yung mga driver jan eh hindi sariling sasakyan ang gamit nila kaya basta na lang kung gumamit. Mas malulugi pa ang dealer kesa makatubo sa dami siguro nang mga masisira sa taxi units.
Eto rin po 'yung pagkaka-intindi ko nung pinapili ako between semi and fully nung 1k check. Yun nga fully pinili ko kasi akala ko sa 10k na next oil change. Pagbalik ko ng 5k pina-oil change ako kasi daw dapat pala 3 months ko kinuha yung 5km. Since lagpas 3 months na, oil change daw. Not to mention hindi pa pwde lumapit sa unit po habang sine-service kaya ayaw ko na sa Hyundai Pasig (C5).
Tumpak! Payag na ako HGMO na lang gamitin para isipin ko na lang sa sobrang higpit nila sa mga ganun, e dapat naman siguro walang karapatan tumirik ang bebe ko. Boss Bloo, Boss Andrew salamat po sa insights nyo! :D
Lipat ka ng dealer bro. Wag na jan. Sa ibang dealer tulad sa Hyundai Lipa (Batangas), hindi sinusunod yung 3months. Kung kelan lang abutin ng 5k/10k kms ang unit mo, dun ka lang nila iseservice.
Hindi palibhasa lampas ng 3mos eh dapat oil change na agad. Kung nakapagbasa ka agad ng thread, dapat palit lang yan oil filter then top up.
Anyway, jan naman tayo natututo sa pagkakamali eh. Gawin mo na lang itong lesson. Hehehe.
Enjoy the ride bro. Drive Safely.
Ang C/O interval kasi pag fs gamit ay 1k c/o, 5k change oil filter, top up 1 liter, 10k change oil & filter & so on.
*totoy06, same with bloowolf. Ganun lang din gagawin ko.
Using Fully Synthetic, para lang mas malinaw sayo.
1k kms - change oil
5k kms - top up. Papalitan lang oil filter then dagdag ng same oil
10k kms - change oil
15k kms - top up. Papalitan lang oil filter then dagdag ng same oil
20k kms - change oil
so on. . .
At pwede ka naman sumubok sa ibang Casa. Di naman dapat dun lang sa binilhan mo ng unit.