
Originally Posted by
Newcomer123
Depende sa driving style mo. At saka sa terrain na dinadaanan mo.
Kung agresibo ka, sa rough roads, o dirt tracks o maputik na daanan sa probinsya, baka nga kailanganin mo. Kung pabandying-bandying lang, as in defensive ka palagi, sa siyudad na panay semento at aspalto, hindi mo yan magagamit.
Kelan ka ba umabot sa punto na nag-skid ka sa pag-preno? Saka sa mga inugat na sa pagmaneho, master na nila yung pumipitik lang sa preno lalo na kung basa ang daan at pwede mag-skid.
Tens of thousands of active vehicles are on the road right now without any of those, okay naman sila.
Pero kung me duda ka sa mga gumagamit ng kotse mo, at dumadaan ka sa mga delikado at madulas na daanan, kailangan mo yan