Model: Getz 2008 1.1L
Mileage: 23,000 km
Background: Binili ko ng 2nd hand * 20,000 km. Noong una, di ko pansin na mahina ang hatak, pero nung inaakyat ko na sya sa flyover, megamall parking and other inclined roads, hirap na hirap sya umakyat kahit 1st gear lang. Nakapag drive na ako ng Getz 2008 before, malakas humatak at talagang makakaayat ng baguio. Pero etong nabili kong 2nd hand, imposibleng makaakyat kahit tagaytay lang. Di rin ako makaover take ng maayos kahit tricycle lang nasa highway ng Naic Cavite!!! Hirap na hirap talaga and makina...kahit patay ang aircon.
Observations:
1. Mahina humatak (from stop, overtake and inclined roads)
2. Halata ang engine noise
3. Matigas ang clutch pedal
4. Matigas ang accelerator
5. Mababa RPM (around 1,200 - 2,000 RPM) kahit na todo apak ng pedal pag aakyat sa flyover (low gears)
6. Fuel effeciency: (City = 5-7 km/L) (Hi-way: 10 km/L). Di normal sa Getz to kc yung Getz ng pinsan ko kaya ko ng 20 km/L sa highway
7. Matigas ang shift gear. Yung sa pinsan ko sobrang lambot, kahit isang daliri lang.
8. Parang na Ondoy kc may kalawang sa loob ng fuel tank (parang nabuksan na)
9. Check lahat ng ikot ng gulong, smooth nag free-wheel
Diagnosed for possible clutch problem:
No clutch slipping found. Hindi nag oover rev kapag tinapakan accelator. Engine dies pag binitiwan from stop (walang tapak sa gas). Walang unusual sound sa clutch, except that medyo maganit pag nag shishift ng gear. Baka slave cyliner to. Pero maganda talaga mag engage ang clutch. Nag check na din ang mekaniko, ok pa daw clutch.
Improvements done:
1. Changed engine oil (Castrol Magnatec)
2. Changed gear oil (caltex)
3. Changed spark plugs (Bosch platinum)
4. Changed oil filter (Vic)
5. Changed fuel filter & pump (OEM - these are broken parts)
6. Changed high tension wires (OEM)
7. Adjust valve clearance - tune-up
Result after improvements:
1. Engine noise improve
2. Engine sound is great pag pinapaiyak (gear dis-engaged)
3. Mahina pa din humatak
4. Effeciency slightly improved (city 7-8 km/L) (Hi-way 12km/L) --> di pa din normal
Suspect ko baka from input ng transmission to differential. What do you think guys? Meron pa pang pwedeng suspect?



Reply With Quote
kc first car ko to at gamit na gamit na sya....
