Taga dito rin naman ako sa Manila eh. Nung time na kumuha ako, si Dasma lang may CRDi Premium na bronze, first batch kasi.
Okay sa Quezon Avenue basta may unit sila. Pero kapag walang unit BS din. Nag pull out ako ng reservation doon dahil.... Basta yun na yun baka magreklamo nanaman yun magaling kong ahente doon pag nakwento ko ulit
Pag binili sa Dasma, hindi naman necessary na doon din ang service. Ginawa ko 1000km and 5000km PMS ko doon. Tapos from 10000km sa Las Pinas na. Doon ako pinaka "at home".
Konsumo.. Sakto lang. 8km/L to 10km/L depende sa traffic. Pero bumabagsak ng 7km/L if I drive like hell. Ang tulin kasi ng Tucson, sarap humataw.
Matanong ko lang, ayaw mo nung Kia Sportage? lumabas na rin yung diesel nila, pero 2WD. Mas mura 1.290M lang
