Oh,, really?? Well.. I used this for minor scratches and it works.
Baka hindi tama ang application. Maliwanag sa instruction na para lang ito sa scratches na as deep as the top clear coat. Kung malalim ang scratch na abot ang base color or metal hindi na pwede, pwede nya ma fill-up ang lalim ng scratch sa paulit-ulit na application pero hindi ma restore ang color kasi clear nga ito.
* callmenadz,
Welcome to the club, engine knock nga yang naririnig mo at low rpm. And parehas pa tayo ng problema sa transmission. 1st to 2nd gear minsan may delay ang shifting, parang sliding clutch tapos pag bilang nag decide ang transmission ipasok na sa segunda.... Boom para kang sinipa sa likod. Pag magaan lang apak mo sa accelerator hindi gaano malakas ang sipa, pero pag napadiin apak mo at tinopak ang segunda, nako lakas ng hampas niyan.
mali pala. i read my post again. bali eto yun senario naka 2nd gear 20-30km sya tapos bigla kong inapakan yung gas pedal bigla syang nag shift to first gear then inangatan ko nang onti tapos step ulet sa gas nang madiin angat tapos step ulet sa gas. kase nag alangan ako sa nilulusutan ko medyo malapit na kase yung kasalubong ko. kaya sya nahilo 2-3 sec bago pumasok yung gear. parang biglang nag neutral ganian yung first experience ko. pero so far wala na.
crug crug crug ganian po yung sounds minsan ko lang naririnig. parang nagugutom na kumakalam yung sikmura. ganon ba yun sounds nang engine knock?
share lang po :D
Question mga Hyundai and car owners.
May popping then juddering sound ba ang ABS kapag nag hard brake ka? Bigla kasing kinailangan ako mag hard brake kanina and first time ko ito naramdaman. I also tried this kanina ng mga ilang beses pero ganun palagi ang nangyayari kapag hard braking, is this normal? First time kse with a car na may ABS.
Ano na balita sa unit mo sir mexo? Yung akin duda ko pinalitan ecu secretly pero ang sabi sa akin ecu update daw. Balik na kasi knocking eh.
Yung juddering sound normal yun sa abs. At yung popping sa pedal normal din. It means your abs is working. Ang abs kasi nag activate lang pag hard braking. Ang function niya is to apply and release the brakes at very fast pace. Parang lumalaban yung brake pedal para hindi mag lock up ang brakes mo. Sa cars without abs ang practice dati ng drivers is to pump the brake pedal on emergency braking to prevent lock up. Pag may abs ka you dont need to pump, the abs system will do the pumping for you
Last edited by bratski; February 1st, 2012 at 08:54 AM.
So far Sir Bratski ok naman. At least no low-power issue. May bagong ingay lang, nag squea-squeak ang belts pero kapag birit na may load ng aircon, and just for half a second. So kinukulit na ako ni misis sa pag pa check nito. Hahahaha. Anyway, ito yung mga things na pwedeng lunukin wag lang low power.
Hakahaka lang Sir, baka nga pinaltan ng ECU yan, pinalalabas lang na update kse malamang lahat ng nagrereklamo sa kanila ngayon are demanding for an ECU replacement. I think na they're just preventing na lahat magdemand ng ECU eh mukhang lahat ng new Accent sold sa market ay na-update na so malamang low-power. Kapag namulat ang mga yan paano na? Palit lahat?.
BTW, just talked to an officemate na kasama sa HONDA tuning club. Pwede naman daw talaga i-revert to the old setting ang ECU, it's just like "saving as" the old setting to a new file na naka version 3. Either wala lang capasidad ang Hyundai dito or takot lang sila kumalikot dahil isa yan sa mandated na wag pakialaman.
Eto nalang masasabi ko:
Don't buy a HyunDAY.
Go for HONDA, FORD, TOYOTA, or even a MAZDA.
Hyundai lahat ng line-up may sakit!
Yes Bro. Yan ang feature ng ABS (Anti-lock Breaking System) para di maglock ang streering wheel mo para pwede mo pang mag maneuver o i umiwas kung me mababangga ka sa harapan mo. Ung juddering sound eh normal yan kasi ung sensor nagbibigay ng pulses ng magbreak cya. Kaya hindi advisable na lagi kang nakatutuk sa likod dapat meron kang safe distance para pwede ka pang umiwas. Ganyan kalimitan ang nangyayari sa mga taxi driver na walang alam sa ABS system, lagi silang nakatutok kaya hayun pag nagbrake sapol ang nasa unahan nila.
Yung crug crug na parang kumakalam ang sikmura or may marbles sa makina engine knocking po yan. And yung experience nyo about gear shifting between first and second na nag neutral muna ng 2-3 seconds tapos shift sa segunda ganyan din experience ko sa accent ko. Pero hindi madalas mangyari. Intermittent lang kungbaga, ang masama nyan pag umatake at the wrong time and place possible na ma aksidente ka.
Eto pa isang observation ko, nung may knocking engine madalas mag manifest itong neutral syndrome ng transmission. Then nung update ng ecu na no knocking but low power, miraculously nawala din itong nag neutral before 2nd gear. Ngayong inupdate uli ecu ko bumalik ang dating power ,knocking at neutral syndrome.
* mexo
So that explains it, nung kasagsagan din ng low power mode ko ang baho ng aircon, parang sunog na goma or electrical, kasi birit to the max din ako para lang umusad. Ngayong balik na yung dating power niya hindi nako bumibirit, kaya wala naring amoy sunog. Ngayon sarap na i-drive, papitik pitik nalang ako sa accelerator sumisibat na. Nung kinargahan ko pala ng shell v power yesterday nawala na yung faint knocking sound, see my other post on the other thread.
Sa mga accent owners na amoy sunog ang aircon, most probably low power mode na kayo. Papalitan niyo na ecu or ipa update sa dealer niyo.
Yes. May purpose daw yan kaya umaamoy, hahahahahaha. Anyway, good luck sa test mo sa ibang fuel brand. After trying one kse after the ECU update bumalik knocking ko. I would suggest to stay with the V-Power nalang muna para maiwasan mag knocking para din di lumala.
Para sa di pa nakakabili ng Hyundai:
Don't buy a HyunDAY.
Go for HONDA, FORD, TOYOTA, or even a MAZDA.
Hyundai lahat ng line-up may sakit!
^petron xcs na nakakarga ngayon, been driving for over 40kms dito sa fuel and nag very slight knock once or twice lang, hindi ko na siya mapalabas on a regular basis. Yung unit mo try ko ipasok sa hyundai erod, baka maayos nila.
Halos lahat naman ng dealer lolokohin ka lalu na pag tingin nila wala kang alam. Syempre dagdag din yan sa cash bin nila para maka ipon na para sa warranty claims hehehe.
^wokwok sound ba? Kung yan ang tunog sa aircon compressor yun. Sakit na ng accent yan.
Nako knocking sound nga yan or "tope" in the vernacular. Kaya ganun kasi incomplete combustion ang engine dahil hindi maka adjust ang timing. Welcome to the club!!!! As of now wala pang solution ang hyundai dyan, sa mga bagong units ata wala ng ganyang problem kaso kailangan mapapalitan natin ang units natin. Which is highly unlikely.