Had ours updated ok naman, although lumakas ang fuel consumption. weird.
Hello everyone!im a newbie here. I have few questions regarding hyundai accent 2011 1.4 m/t. Im planning to buy a car and accent is my first choice. Yung mga friends ko dinidiscourage nila ko bumili ng hyundai accent dahil:
1. Panget ang performance
2. Manipis ang kaha
3. Korean made so asahan na di talaga maganda
They want me to buy Honda City instead. But confused pa rin ako dahil marami nagsasabi pa rin na maganda ang hyundai at matipid sa gas. So when I checked the availability of Honda City wala na daw pala dahil sa flood sa thailand. Early next yer pa. So napapaisip na naman ako kung talagang Accent na lang since walang city. One more thing Ive read this thread, iniisip ko baka maexperience ko rin ang ibang problems ng accent.
Any comments or suggestions? Im planning to get 1.4 M/T.
TIA!
1. Performance you mean, speed and acceleration? masaya ako sa 1.4AT ko. May kick sya.
2. Lahat yata ngayon manipis kaha (designed for crash survivability) so no issue.
3. Madaming magagalit dito lalo na yung nanunuod ng telenovela hehehe anyway, i've had a korean car for 5 yrs. no problems encountered. this is my 2nd korean car, had knocking issue but changed to Shell Premium, ok na. I will probably buy a third one, I'm thinking Sportage or Tucson
Sorry, wala kasi ako experience sa Honda City.
We have two owners here na MT, nasolve na engine knock nila with ECU update. so far so good. One AT still has the shingles hehehe.
Ang isa lang kinaiinisan ko dito ngayon sa Accent ko, which I want you to know is yung central lock ko. Parang me sariling isip!! LOL. nangyari na sa akin na nilock ko yung kotse tapos biglang bukas. lock ulit ako, bukas ulit on its own. Parang me topak yung sensor kung nakabukas or nakasara yung pinto (to trigger the autolock). Kailangan ko pang isara ulit yung kotse para gumana ng maayos.
Minsan naman ayaw mag lock, again, kailangan kong buksan yung pinto then sara then lock. Third party accessory ito kaya its not Accent's fault, kaya yung dealer ang gegerahin ko (specifically, their 3rd party accessory provider).
hi eto lang masasabi ko sayo.
1. does honda city na 1.3 can reach 180 kph? sa accent kase na try ko na 180 kph? at ang unit ko.
2. lahat nang sasakyan ngaun maninipis na kaya.)
3. korean made? e yung tucson? santafe? genesis coupe? elantra? sonata? di ba magaganda yan mga cars na yan? as far as i know sila nga yta ngaun ang hari sa daan e? yung feelin na kapag nakakita ka nang mga cars na yan mapapasabi ka nang wow ganda naman non?
Yes yan nga ang sinasabi ng mga friends kong may hyundai cars. Pero sabi wag daw tumingin sa looks kundi sa performance at quality. Bibigyan daw ako ng sakit ng ulo ng hyundai at talagang minamarket nila sakin ang Honda City! By the way, babae po ako kaya wala kong ganong idea sa mga ganito.
1. Mga nagsasabi lang nyan hindi pa nakakasubok ng hyundai. Yung grand starex vgt ko walang makakahabol na toyota hi ace or nissan urvan.kahit nga v8 na e150 lampaso rin. Yung accent ko naman definitely mas malakas sa vios, ewan ko lang sa honda city kasi hindi ko naman pinang kakarera accent ko. And my santa fe can outrun a montero sport or fortuner anytime.
2. Lahat ng kotse ngayon manipis ang kaha.
3. My family had a korean car since 1998. Ok pa until nalubog kay ondoy. Current cars ko ngayon korean lahat.
Thanks sir bratski! Medyo nacoconvinced na talaga ko. Hehe.;) sabi rin nila ang Honda City matibay ang kaha dahil made of hard material. I forgot anong tawag dun. Nabasa ko rin sya sa topgear june 2011 issue. And it is true na umuusok daw ang accent? Ang elantra naman pinapasok ng tubig ang loob kapag umuulan?
LOL! ang nagsabi nyan, probably kumain ng usok ng accent kasi naiwanan sa kalye. hehehe I think they are referring to the CRDI accent (diesel) which is 2010 model. Phased out na po yan. What we have now is the all-new accent, coupe-like design, 1.4 engine for the price of 1.2spark/1.1 i10 . san ka pa? hehehe
Elantra tumutulo pag me ulan? Anti-Hyundai talaga mga nagsabi nyan. Ang ganda ng ng bagong Elantra!! yan lang masasabi ko.