New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #1
    Mga sirs tingin nyo ano ang problema sa Civic namin?

    Noong sunday kasi, nilinis ng dad ko yung engine bay, I don't know how he did it basta nung pagkakita ko malinis na, then binilad niya sa araw para patuyuin. Di na ginamit yung car buong sunday.

    So ayun, monday, ginamit ng dad ko to go to work and back home, wala namang naging problema.

    Pero kahapon (tuesday) noong hapon yata, completely dead yung kotse, as in wala raw kuryente, syempre ayaw magstart. BTW, wala pang 1 year nung huling pinalitan yung battery. So tumawag sa Motolite dad ko, ang nakasalpak ngayon sa makina ng civic is service battery daw ng Motolite, parang kinargahan lang or something like that. Yung battery talaga nung oto, nasa Motolite.

    So ngayon (wednesday) di muna ginamit ni dad yung civic. He asked me to start the engine para i-check kung ok na. Inistart ko naman, binuksan ko aircon, ilaw, wiper all at the same time, ok naman, stable ang RPM.

    Nung binuksan ko yung makina, ok naman wala namang unusual na tunog. Pero nung pagkasara ko, aba biglang nag lock yung pinto mag-isa! First time na nangyari to, buti na lang hindi dala ni dad yung spare key.

    Ano po kaya problema ng oto namin? Busted alternator maybe? Or baka dahil sa paglilinis nung engine bay may nabasang electricals? Alam naman ni dad ko kung anong mga dapat takpan pag lilinisin yun, I just thought baka accidentally may nabasa na di dapat..

    TIA po mga sir!

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #2
    For sure may nabasa sa engine compartment na hindi dapat mabasa since nagumpisa yung mga problema after mag engine wash. Malamang may wiring na basa, check din ang fuse box.

    Mahirap talaga mag engine wash, dapat engine detailing na lang para walang risk ng electrical problems.

  3. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #3
    Quote Originally Posted by CivicVTi View Post
    For sure may nabasa sa engine compartment na hindi dapat mabasa since nagumpisa yung mga problema after mag engine wash. Malamang may wiring na basa, check din ang fuse box.

    Mahirap talaga mag engine wash, dapat engine detailing na lang para walang risk ng electrical problems.
    Oo nga po sir may nabasa talaga.. Maski noong bago ipagawa, ayaw magstart, nagcclick-click lang ng mahina at mabilis, parang "ttttttttkkkk"..

    Pero ngayon napagawa na po, pinalitan yung alternator at gumanda na ang takbo, at naging mas matipid! Alternator lang pala problema noon pa, lakas kasi lumamon dati sa gas.. Mas responsive na yung makina ngayon at lumakas na rin ang hatak..

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #4
    Thanks sa update bro. Masama talaga mabasa ang alternator kasi may IC chip sa loob yan. Kung hindi natuyo kaagad at bigla inistart ang makina, malaki chance na mag short circuit.

  5. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #5
    I see.. Pero sir paano naman po kaya sa vios namin, sorry ot pero kasi malapit lang yung alternator sa washer fluid reservoir, kaya pag naglalagay ako ng tubig ingat na ingat ako.. potentially dangerous po ba yun for the alternator? Di kasi maganda yung posisyon ng alternator ng vios..

  6. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #6
    Chikselog : Yun nalang siguro. Be extra careful nalang. And, washer fluid lang naman pala so, bihira mo lang lalagyan iyan.

    Yan mahirap sa vios eh, liit ng engine bay.

  7. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #7
    Onga po sir renzo..

    Isa pa palang nawala since pinalitan yung alternator nung EK accdg to my dad is yung parang lata na tunog na galing sa engine bay paminsan minsan * high speeds kapag nakatapak sa gas pedal.. Lalo na kapag lagpas 100kph, wala ng tigil yung tunog dati..

  8. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #8
    never do an engine wash if you're not an expert on this thing. kung parang Isuzu Highlander lang ang car no problem at all.

    anyway, that is not an alternator problem because kung alternator yan, it will drain you're battery easily tapos nag-lock ang pinto nang mag-isa which is for sure may nabasa na hindi dapat mabasa.

  9. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #9
    Sa electricals po talaga may nadale hehe.. Pero ngayon oks naman na

  10. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #10
    double post
    Last edited by Chikselog; April 30th, 2010 at 03:01 PM.

What could be the problem? Civic '96 LXi