Hey, good day mga Honda masters!

tanong ko lang sana kung meron na bang nakaranas dito ng leaking sa may passenger side ng kotse...

ganito kasi yun, nung minsang umulan ng malakas dito sa amin ay ibinyahe ko 'tong sasakyan ko, napansin kong may "tubig" na tumutulo sa may ilalim ng dashboard sa may passenger side banda...

kala ko eh leak lang ng ulan sa windshield seal pero nung nag-search ako sa internet, napag-alaman kong common problem daw ito and it can be attributed to a leaking heater core...

nalilito tuloy ako kung leak ba talaga ito sa ulan o sa aircon ko...(noob kasi, pasensya na)...

sa ngayon, hindi ko pa ginagamit yung AC ko kasi inaalala ko na baka may mag-short na mangyari eh...

meron ba kayong alam na fix para dito? ang hirap pa naman patuyuin ng carpet, bumabaho tuloy yung interior...

please help, thanks!

1995 Honda Civic LX