New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #1
    Hi tsikoters! newbie here, hehe.. hingi lang sana ng tulong.. nakabili ako ng secondhand na honda civic vti 2000 manual.

    here's my problem, pag kakastart palang ng makina, ok pa yung steering, magaan pa, tapos mga after 3-5 minutes cguro, biglang tumitigas, tsaka may knocking sound sa may front driver's side pag nalulubak ng konti (yung mga maliliit), pag humps wala naman, wala ding sound pag nililiko yung manibela. nasa tamang level naman yung PS fluid at hindi nagbabawas. bagong palit yung tie rod, tsaka rack end. yung stab link ok naman daw sabi ng mekaniko. tsaka may kabig din ng konti pakaliwa.

    may nakaexperience na po ba sa inyo nito? yung steering fluid lang po kaya ito? nsa 60k yung mileage. kung yun lang sana prob, baka pwede i-DIY ko nalang, hehe. ano pa po kya posibleng problema nito at magkano pagawa? para lang maestimate ko, hehe.. TIA!

    if ever, san po kaya ok na dalhin na malapit lang, magaling at mura, hehe. area ko eh sa makati/vito cruz, ang nakikita ko lang kasi na parang ok eh yung servitek sa may filmore, hehe. cruven makati kaya?

  2. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    110
    #2
    Yung sa akin naman simula ng nagreplace ng rack-end at tie rod, medyo tumigas na ang steering ko kahit nasa standard level pa yung PS fluid ko. Nung una, may kabig pakanan yung car ko. Pina wheel align ko lang ito sa Servitek kaya ok na. May kabig pa rin konti pakanan dahil napudpod na yung tire ko sa kanan. Normal naman ito.

    Yung katok sa akin kapag nalulubak ako ay dahil dun sa stabilizer link at bushings.

  3. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    24
    #3
    baka mahina na p/s pump pero if may sound baka rack & pinion na.

    check mo rin thread below
    http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=67304

  4. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    14
    #4
    update lang, dinala ko kala speedyfix kanina, steering rack assy daw ang may problema, may kalawang na daw. at ang quote sakin ay 16k plus 3800 sa labor. hayayayay. pati upper arm assy daw 2k. wala na po ba ako ibang options? medyo hindi abot kaya yung sa steering eh, huhu.

  5. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    32
    #5
    Quote Originally Posted by rvn_teo View Post
    update lang, dinala ko kala speedyfix kanina, steering rack assy daw ang may problema, may kalawang na daw. at ang quote sakin ay 16k plus 3800 sa labor. hayayayay. pati upper arm assy daw 2k. wala na po ba ako ibang options? medyo hindi abot kaya yung sa steering eh, huhu.
    Ganyan din naging problem ko non, bigla tumigas yun steering wheel at may knocking sounds at sa pagliko parang my sumasayad na tunog. Ang tanda ko flushing lang ng langis, palit ng hose at dagdag ng PS ang ginawa ng Honda.
    OR
    Try nyo dalhin sa Honda Spa sa may mindanao avenue, pa-diagnose nyo for only P450, dun malalaman ng mga professional natin kung ano talaga ang totoong sira nyan bago maisipan ng solusyon.

  6. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    54
    #6
    Quote Originally Posted by rvn_teo View Post
    update lang, dinala ko kala speedyfix kanina, steering rack assy daw ang may problema, may kalawang na daw. at ang quote sakin ay 16k plus 3800 sa labor. hayayayay. pati upper arm assy daw 2k. wala na po ba ako ibang options? medyo hindi abot kaya yung sa steering eh, huhu.

    sir,

    (wag mo muna sir) ganyan din naging problema ko last week lang, since marami ka n ring nagawa malamang yung PS pump lang yan. pinalinis/ overhaul ko lang ung sakin nawala n ung problema (yung sakin pag inikot ung steering wheel a little to any side may nagva-vibrate pang mararamdaman). Try mo muna yan sir. yung sakin e umabot lang ng 1200 petot ok n. Try mo muna yan sir.


    Hope this helps.....

  7. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    32
    #7
    hehe. mahal nga talaga dyan sa speedyfix, at iba ang diagnose nila nun dinala ko sa HondaSpa. Para saken, di ako tiwala sa speedyfix. Try nyo muna ipadiagnose sa HondaSpa atlis sigurado ka na Honda specialists ang titingin sa sira ng auto mo

  8. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    23
    #8
    mga tsikoterrs taga bulacan ako ,,,may mga web site ba ang mga honda spa,,,may idea ba kayo kung meron nito sa bulacan...have a nice day to you all....

  9. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    32
    #9
    ang pagkakaalam ko iisa lang ang Honda Spa, extension kasi to ng Honda Q.Ave. pagpumunta ka dun hanapin mo si Abet or Aris mababait yan mga yan.

Tumitigas Steering at may knocking sound.. help pls.