pwede ba yung Toyota alternator para sa Civic 2000 LXI? nagtanong kasi ako sa isang alternator shop kung magkano ang 90 amperes na alternator ang sabi niya 4,500 daw at Toyota alternator daw ang ikakabit, talaga daw toyota ang ikinakabit sa katulad ng sasakyan ko.

btw kaya gusto kong palitan ng 90 amperes kasi japan surplus na 70 amp yung current alternator ko at parang mahinang kumarga, pag naka on aircon hihina at lalakas, nagbabago ang voltage parang nag-aagawan sa kuryente tapos minsan hirap din magstart. Tried replacing a new battery (Amaron) still ganon pa din.