Salamat po sa inputs paps..
Na inspect naman lahat ng brakes harap and likod plus nagpalit din ng wheel cylinders (both for rear).
Wala na rin tagas and hindi rin nagbabawas ng fluid everytime I inspect (day to day).
Ok naman talaga siya pag normal breaking situations eh, malakas pa nga pag napadiin apak ko sa pedal. Pero pag naka-full stop tapos inclined, either pababa or pataas yung kalsada tapos nakababad ka sa pedal, unti-unting lumalambot preno hanggang sa masagad na apak ko and eventually, bibitaw yung preno.
Sorry for the newbie question sir, nakakahiya man itanong, pero ano po yung #8 na backrange and para saan po ito?
Pasensiya na po and salamat ulit.
