Hello,
Nabanggit sakin ng kaofficemate ko na maselan daw pala sa mga fluid ang honda. Nagpapalit daw kasi sila ng power steering fluid sa casa and they were advised to use OEM stuff. Napansin din daw nila ung nung gumamit sila ng ibang brand. Nagkaron daw ng unusual na tunog ung power steering nila. I Just want to confirm kung maselan nga sa mga fluid ang honda cars.
Parang napansin ko din kasi sa Honda Civic 97 ko nung nagdagdag ako ng power steering fluid parang may nginig nung manibela ko kapag ituturn habang paandar and ililiko. Mumurahing automatic transmission fluid lang kasi pinalagay nung mekaniko ko. pare-pareho lang daw kasi un. Ewan ko nga lang kung un nga ang cause nung nginig.
Totoo ba na maselan sa fluids and honda cars?
Thanks!


Reply With Quote
