New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    10
    #1
    gud day po mga kabayan! sana po ay matulungan nyo ako. bago lang po ako may sasakyan, ano ga po ang kalimitang sanhi ng overheating ng makina? napaayos ko na po ang valve clearance, napaasinta ko na din po, palit po ng sparkplugs, overhaul ng radiator, change oil, timing, tune-up, ok naman po mga fans, actually, idine-rekta ko na po ung fan ng radiator, di na po dumadaan sa thermostat ksi nung binuksan ung lalagyan ng thermostat ay wala naman laman. ang problema po ay pag medyo paahon ang takbo ay tumataas ang temperature hanggang 3/4, pag normal naman po takbo at patag ang daan ay ok lang po at bumabalik sa dati ang temp. pansin ko po pag hirap ang makina ay tumataas ang temperature. di po ako naglalagay ng coolant kasi nakakasira daw po un ng block, actually, nung pinabuksan ko po ung makina ay may nakitang parang kain ng anay ang side ng block, pero di po umabot sa mismong piston. sabi din po pag di po ok ang lagay ng gasket at pinaandar ay tataas daw po ung tubig sa radiator, sinubukan ko po pero di naman po sya tumataas. sana po ay matulungan nyo ako dine. pasensya na po at sadyang malaki na po nagagastos ko eh. ano po kaya magandang advice aside from ibebenta na lang ang car?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    pagka ganyan. ibebenta ko na talaga yan. hehehehe.

    have you changed the water pump and the hoses? may nakikita ka bang leaks sa ilalim?

  3. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    10
    #3
    wala po syang leaks. subukan ko po change ung hose. pag may leak po ba ay sa water pump and diperensya? salamat po

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    Quote Originally Posted by oliverafe727 View Post
    wala po syang leaks. subukan ko po change ung hose. pag may leak po ba ay sa water pump and diperensya? salamat po

    ah ok, its not a water pump problem. pag water pump problem, most of the time may leak din sya tsaka medyo tumutunog (may sound from the wp).

    on your overheating issue, check mo din yung thermostat and yung level ng water and/or coolant mo. baka ubos na.

  5. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    10
    #5
    sir wala po thermostat ung sa akin, nakadirekta po ang fan sa radiator, di rin po ako naglalagay ng coolant. plain water lang po. makakatulong po ba coolant? di po ba nakakasira un ng block? salamat po ng marami

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #6
    Quote Originally Posted by oliverafe727 View Post
    sir wala po thermostat ung sa akin, nakadirekta po ang fan sa radiator, di rin po ako naglalagay ng coolant. plain water lang po. makakatulong po ba coolant? di po ba nakakasira un ng block? salamat po ng marami

    ha? sigurado kang tinanggal ang thermostat? Afaik, any liquid-cooled car engine has a small device called the thermostat that sits between the engine and the radiator. Its job is to block the flow of coolant to the radiator until the engine has warmed up. When the engine is cold, no coolant flows through the engine. Once the engine reaches its operating temperature (generally about 200 degrees F, 95 degrees C), the thermostat opens. By letting the engine warm up as quickly as possible, the thermostat reduces engine wear, deposits and emissions. kung tinanggal nung mekaniko mo yung thermostat, yun ang nagiging cause ng overheating mo.

    yung coolant is a must, imho. it has a higher boiling point than water so hindi sya basta basta kumukulo at 100 degrees C. hindi nakakasira yan ng block. if nakakasira ng block yan, madami ng nasirang block dito sa tsikot. . Just observe the proper mixture ng coolant and water.... and yes, USE DISTILLED WATER. Hwag kang gagamit ng tap water because it has minerals which might clog and corrode your radiator.

    baka kailangan mo mag palit ng mekaniko ah.... hehehehehe.

  7. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    10
    #7
    naku...ganun po pala un...maraming salamat po. nasa lipa, batangas po kasi location ko, ala pong mabilhan dine ng thermostat. magkano po kaya ang ganun? salamat po

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #8
    ala eh, wala din akong idea bro.... hehehehe.
    just bring your car to a reputable shop, imho... wala kasi akong alam dyan sa lipa eh. most probably, they have parts there.

  9. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    3
    #9
    In my experience, kung wala ng thermostat yang car mo, hindi mag ooverheat yan.Pero matagal mo mo lang ma reach yung normal operating condition ng makina kasi nga ikot na kaagad ang tubig kahit na malamig pa engine. yun ang trabaho ng thermostat, bubukas lang sya pag na reach nya yung required temp. Nangyari yan sa car ng friend ko, pag medyo pataas yung road... tataas na temp nya. Na solved sya ng ipalinis nya RADIATOR nya. barado na pala . lalo na ikaw , di ka pala gumagamit ng coolant with anti rust, pls. pa check mo radiator mo

  10. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    81
    #10
    hi. i had the same problem with the same car. nag overheat din tapos mahina hatak lalo pataas. laki n rin nagastos namin then ng binuksan yung makina may sira daw.suggest ng mekaniko palitan makina.nakabili sila misis sa masinag. ngayon ok na ulit malakas humatak at wala na over heat.di ko alam full details kc si misis nag asikaso.andito ako sa ksa. yung makina nakuha ng 29T, 2001 model daw, AT transmission. i am not suggesting na palitan mo makina pero in our case natapos na ang gastusin medyo malaki nga lang damage pero wala na sakit ng ulo. regards sa kotse mo.

Page 1 of 2 12 LastLast
overheating 1996 honda civic vti