New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 14
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    44
    #1
    mga bro,
    ano kaya problem sa car ko bakit hindi pantay and upod ng gulong ko, last month nagpa camber correction na ako at pa alignment na rin pero ganun parin and problem. kung minsan may kabig sa kaliwa minsan sa kanan naman. please tulong ano kaya problema?. last time kasi sinabi sa akin ng mekaniko maluwag daw yung alley arm. yung kaya ang dahilan nun?

    additional ask ko lang saan makakamura bumili ng bago na mags 16 inches.

    maraming salamat po.

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    467
    #2
    bro,

    Anong kotse mo at ano description rim mo at gulong mo? Baka mismatch kasi gulong mo sa kotse mo.

  3. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    12
    #3
    aside from other reason like mismatch tires, alignment problem.. add ko lang.. kailan mo pba na acquire yang auto mo? hindi pba yan na head-on and hinatak nalang ang frame? usually kasi pag na head-on collision and badly damage ang frame at hinatak nalang or dineretso nalang ule ganyan ang nagiging problem... my hatak at hindi pantay ang kain ng gulong kahit na anong pagawa ang gawin mo....

  4. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #4
    kahit na araw arawin mo pa aligment and camber correction ng oto mo kung sira ang mga bushings at pang ilalim mo eh balewala lahat ng pag camber at align mo. make sure all the lower and upper arm bushings are not worn out, meaning walang kalog or kalampag. safest way it to go to underchasis expert like zafra to estimate everything. Since mahal sa kanila, pa estimate mo lang ng buo tpos sabihin mo babalikan mo na lang.

    so now alam mo na lahat ng kelangan palitan, bilin mo ngayon lahat ng bushings at kung ano pang part ang kelangan palitan sa auto supply. Make sure to get OEM or better yet sa car manufacturer ka mismo bumili ng parts. Just to share with you, nagpalit ako ng lower arm bushing ng EG ko, kmuha ako ng JAC na brand, it turned out after 3 months sira na ulit, since EG have no camber sa harap, kinain yung bagong bili kong tires, so i have to put the worn out tires sa likod para bago na yung sa harap.

    my point is lalo na sa honda, very critical ang bushings ng pang ilalalim so surest way to get quality is to get parts from honda mismo and pagawa mo sa hinde masyadong mahal maningil na talyer. just make sure na yung talyer is equipped with machine na pang press ng bushings, kasi yung iba pinupokpok lang.

    after mo mapagawa lahat ng sira ng pang ilalalim mo that is the time na mag papa camber ka and alignment. think of it this way... sira bushings mo, papa camber ka, aalign nila, sakto pag baa ng oto mo sa sahig balik na ulit sa dating tayo yun since hinde nga ayus bushings mo so balewala camber and alignment. send us details din ng oto mo baka meron tsikoteers na naka experience na ng ganyang problem

  5. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    44
    #5
    1995 esi po ung car ko, di naman po na wreck un and di pa nababangga. ask ko lang po kung wala po bang effect yung pagpapapalit ko last time ng front suspension? kasi po nagpalit ako ng ibang size.

    thanks po sa mag replies.

  6. Join Date
    May 2007
    Posts
    104
    #6
    Quote Originally Posted by j_gasmen View Post

    i have the same car bro... make sure ok lahat ng pang ilalim mo. kung suspension naman ang pinalitan mo it has nothing to do with camber alignment. stock honda esi 1995 walang camber adjustment. toe in toe out lang ang adjustment na pwedeng gawin ng electronic /computerized 4 wheel alignment. again it happened to me before. i found out the culprit is the lower arm bushing (outer). Eto lang soley ang nag papantay sa lapat ng gulong mo, pag sira to, sure na may kalog at naka buka bagsak ng gulong mo. pag napalitan mo na yng bushing na yun, siguradong tayo na yung lapat ng gulong mo

  7. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    44
    #7
    bro mikhailer,

    ibig mo sabihin yung suspension bushing? na experience mo rin ba yung parang iba yung bagsak nya kapag may lubak?

    salamat mga bro

  8. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    88
    #8
    Quote Originally Posted by mikhailer View Post
    so now alam mo na lahat ng kelangan palitan, bilin mo ngayon lahat ng bushings at kung ano pang part ang kelangan palitan sa auto supply. Make sure to get OEM or better yet sa car manufacturer ka mismo bumili ng parts. Just to share with you, nagpalit ako ng lower arm bushing ng EG ko, kmuha ako ng JAC na brand, it turned out after 3 months sira na ulit, since EG have no camber sa harap, kinain yung bagong bili kong tires, so i have to put the worn out tires sa likod para bago na yung sa harap.

    my point is lalo na sa honda, very critical ang bushings ng pang ilalalim so surest way to get quality is to get parts from honda mismo and pagawa mo sa hinde masyadong mahal maningil na talyer. just make sure na yung talyer is equipped with machine na pang press ng bushings, kasi yung iba pinupokpok lang.
    so correct po kayo sir. let me just share mine, ako po mismo ay naka experience na rin ng bushing failure sa daan. kaya pala habang tumatakbo ako, parang may sumasayad sa pang ilalim ko, lalo na kung mejo bumpy or humps sa daan. biglang may parang tunog bakal na ingay. ilang beses din akong napababa sa oto ko while travelling to check what goes on because it seems to me at first glance, ay ok nman physically ang oto ko. only when i get home did i realized na naka lowered na pala ung affected side at halos makalas na ung lower arm. any more distance sa travel ko ay hihiwalay ang gulong ko

    what i did is to have it checked sa pinsan kong mechanic and bought original honda bushing sa banawe (around 700php for EK). we also brought the lower arm bushing itself sa banawe mismo to have it pressed sa machine shop. fyi lang po, it is very important to have it pressed sa mga machine shop na maalam tlga dito, may certain degree of angle po kasi ang bushing pag sinalpak/press sya sa butas ng lower arm na sya nmang sasakto sa salpakan nya sa pang ilalim ng oto. once mali po ang angle nya pagka press, asahan nyo sakit sa ulo pag ikinabit nyo na ito, some people force fit it because of that & we can only imagine what will happen next.

    btw, yung machine shop po ay sa kanto ng banawe at kaliraya st. it's on your left side corner if your facing towards quezon ave. damage is just 100 bucks for pressing, kilala kasi ng pinsan kong mechanic hehe. goodluck po sa TS.

  9. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    94
    #9
    I had the same sound with my civic 99 VTi... sa harap ung tunog pag may lubak... since I'm right next door with ZAFRA I went there to have them check the problem umaalog na ung gulong ko left to right, then they showed me ung ball joint ng tie rod end ko e lasog na dahil sa ung boot ko (ung goma na naka cover na parang spring) e sira na kaya kinalawang ung ball joint. I had them fixed everthing up (link joint, tie rod end and the boot) for 5,5k. I didn't bother to go elsewhere dahil specialty ng ZAFRA e suspension, mahal man pero reliable naman... although I only bought aftermarket parts kasi doble ung presyo pag sa honda pa ko bumili. I guess driving at a high speed sa napaka gandang kalsada natin took its toll on my car suspension!

    going back to your situation, like what mikhailer said, try to have a reliable shop check your suspension like ZAFRA, their SOP is to drive test and check for the damaged part on your car, they will give you estimate as well and it should be up to you if you will have them fix your car or elsewhere. Paayos mo agad yan, ok lang kung likod mo ung may problema kasi delikado kung sa harap... better be safe than sorry...

  10. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #10
    Quote Originally Posted by j_gasmen View Post
    mga bro,
    ano kaya problem sa car ko bakit hindi pantay and upod ng gulong ko, last month nagpa camber correction na ako at pa alignment na rin pero ganun parin and problem. kung minsan may kabig sa kaliwa minsan sa kanan naman. please tulong ano kaya problema?. last time kasi sinabi sa akin ng mekaniko maluwag daw yung alley arm. yung kaya ang dahilan nun?

    additional ask ko lang saan makakamura bumili ng bago na mags 16 inches.

    maraming salamat po.

    Don't drive the car. You have a badly worn component, either tie rod or link. When you go fast, the tires push the part tight. As you slow down, or hit a bump, the looseness comes back. It may fall apart completely, leaving you with no steering at all. Park it until you can fix it.

    Other possible cause:
    Defective braking system
    Wishbone bent
    Tyre pressures wrong
    Suspension issues
    Chassis twisted
    Diff. tire sizes

Page 1 of 2 12 LastLast
new mags 16"