hi to all tsikot members...gusto ko lang i share sa inyo ang ngyari sa akin...nakabili kasi ako ng honda civic vtec3 M/T tinanong ko yung nag benta sa akin kung na ondoy yung civic sabi hindi daw...tiwala naman ako sa sinabi nya...pero ng makalipas ang 3 days na diskubre na ondoy pala..tinanggal ko kasi yung cover ng hand break nakita ko na meron parang natuyo na manipis na putik..nag duda na ako na baka na ondoy nga yung civic..pero ng tangalin ko na yung mga door panel ang daming natuyo na manipis na putik.. 100 percent lubog ang civic...ng kausapin ko yung binilan ko sabi nya hindi daw na ondoy yung civic,hindi na ako nakipagtalo hindi naman na rin maiibabalik yung pera ko (315k)...wala na ako magagawa kung di ayusin ko na lang yung civic..sa ngayon ok naman ang takbo nya...minsan lang nag jejerk pag naka 1st and 2nd gear...bumababa rin yung rpm pag naka on ang aircon (500rpm)...minsan namamatay ang makina...nilinis ko na yung idle air control valve..throttle body..engine bay..bago na rin battery...ganun pa rin bagsak pa rin ang RPM pag nag aircon..pero ngyayari lang ito pag nag shift ka sa 1st gear tapos bigla kang nag nuetral biglang mapupunta sa 500 yung RPM nag ba vibrate sya minsan namamatay na rin yung makina...sa mga tsikot members dyan baka meron kayo ma i suggest sa akin kung ano pa ang mga dapat kong gawin para maayos ko mabuti yung civic? maraming salamat...




Reply With Quote
