New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    106
    #1
    Sir, normal lang ba yun may naririnig ka na parang sa bearing?naririnig mo umiikot yun bearing na parang mahina na hinahasang itak yun naririnig.sabi sa mekaniko 1,sa may outer bearing ng aircon daw.pinakita ko sa mga nag aayos aircon,hindi naman daw.pinakita ko sa mekaniko 2,sabi sa bearing daw sa may mga belt.hindi sa timing belt.yun mga bearing na kinakapitan ng 3 belt yata yun na nasa labas ng timing belt.di ba yun timing belt may plastic cover.yun sinsabi ko wala cover.nakikita mo lang.sabi naman mekaniko 3,hindi daw dun.may sinabi siya kung saan pero nakalimutan ko na.di ko na pinaayos kasi iba iba naman sinasabi nila.Honda civic vti 1997 kotse ko.

  2. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    278
    #2
    sir punta ka sa forcespeed/fixstop sa may araneta ave..halos katapat ng carryboy.magagaling mga mekaniko dun at experts sila sa honda...

    hope this helps.

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    35
    #3
    baka sa bearing ng compressor, ganyan din yung sakin. pero naayos na.

    sobrang ingay ba? testing mo buksan yung aircon, at patayin mo yung aircon, maririnig mo difference kung sa compressor nga.

  4. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    106
    #4
    Quote Originally Posted by lui11 View Post
    baka sa bearing ng compressor, ganyan din yung sakin. pero naayos na.

    sobrang ingay ba? testing mo buksan yung aircon, at patayin mo yung aircon, maririnig mo difference kung sa compressor nga.
    hindi naman maingay masyado sir.after pinakita ko sa mga mekaniko na iba iba sinabi,yun huli mekaniko may hinigpitan lang siya.sabi maluwag daw.limot ko na kung ano yun.humina yun ingay pero meron pa din konti ngayon.

  5. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    107
    #5
    Ganyan din ata yung sakin, sabi nung mga mekaniko sa mga talyer, kailangan na palitan yung compressor. yung isa naman, bearing daw. yung sakin tumutunog lang pag nakahinto at pag mabagal na traffic. Pero pag above 20km/hr na or pag nagre-rev, hindi na madidinig.

    Tapos nung nagpunta ako sa honda spa, drive belt daw so dun ko pinapalitan. Ayun, nawala yung ingay. 1.3k lang inabot to think casa pa yan.

  6. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    106
    #6
    Quote Originally Posted by patricksee View Post

    ah baka tama yun sinabi mekaniko sa petron.sabi niya yun isang belt e parang numinipis na.pero sabi naman ok pa.malamang yun kasi tagal ko na yata hindi pa pinalitan sa bandang dun e.timing belt lang kasi madalas ko palitan.

  7. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    107
    #7
    Quote Originally Posted by honvic97 View Post
    ah baka tama yun sinabi mekaniko sa petron.sabi niya yun isang belt e parang numinipis na.pero sabi naman ok pa.malamang yun kasi tagal ko na yata hindi pa pinalitan sa bandang dun e.timing belt lang kasi madalas ko palitan.
    Yung sakin ok pa din naman, kaso maingay na so pinalitan na. pati maingay lang yung sakin pag naka-on yung aircon.

    sa casa mo na pagawa, mura lang naman yung parts. sure ka pa since makina at compressor na yung pwede maapektuhan.

  8. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    106
    #8
    Quote Originally Posted by patricksee View Post
    Yung sakin ok pa din naman, kaso maingay na so pinalitan na. pati maingay lang yung sakin pag naka-on yung aircon.

    sa casa mo na pagawa, mura lang naman yung parts. sure ka pa since makina at compressor na yung pwede maapektuhan.
    thanks sir.hindi kaya sakit talaga honda yun ganon?dami ko nga nakikitang ganun kaingay lalo mga model 96-00.ang ingay sobra yun iba.

maingay sa may bearing yata