New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 48
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    188
    #1
    share ko lang sa inyo experience ko sa loob ng service bay ng honda Quezon Ave. Sobrang na shock ako sa trato nila sa mga sasakyan na pinapaservice sa kanila.

    Sinamahan ko kapatid ko kahapon na kunin yung purchase nyang honda civic, medyo late na din kami nakarating kasi late na dumating sa honda P.O ng bangko. 6:30 pm na ng pinakita samin ung unit, so inspect muna namin ung unit kung may gasgas ba or nalubog ba sa baha ung unit, habang nag iinspect kami may grupo ng mekaniko dun sa tabi ng unit namin nagbibiruan at naghaharutan, may mga nakatapak pa sa mga upuan ng mga sasakyan ng mga nalubog sa baha, meron naman nakahiga at nirorock pa ung mga upuan, wala silang pakialam kung madeform ung mga paa nung upuan na pinagkakabitan ng tornilyo. pinaparinggan kami baka daw may biglang lumabas na daga dun sa unit sabay tawanan. hindi na namin masyadong pinansin dahil ayaw namin malasin nung araw na yun lalo na brand new unit ang kinukuha namin.

    meron pa ako nakita pinaglalaruan ung mga pinto ng honda city, binubuksan nila at pagkatapos biglang isasara ng malakas sabay tawanan, ganun daw kasi ung pinakamadaling paraan para matanggal daw mga kalawang, hindi man lang nila naisip na may customer sila na nakakakita sa katarantaduhan nila.

    ito pinakamatindi sa lahat, doon ko lang nakita na hindi uso gumamit ng preno, ang bibilis ng pagarangkada tapos sabay hatak ng handbreak, hindi lang isang mekaniko ang gumawa nun kundi dalawa sila, tsaka hindi rin uso sa kanila busina, basta nakaharang ka gigitgitin ka nila dun, halos sumagi nga sa braso ko yung isang huamarurot na honda jazz dun, pagbaba ng driver nakita ko mekaniko din pala ng honda yun, sobrang mga barumbado sa mga sasakyan.

    mabuti na lang hindi namin pinadeliver ung unit sa kanila kundi kawawa din yung civic ng utol ko, sobrang barumbado at bastos ng mga service nila dun grabe.

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,419
    #2
    bro since nakita mo sila at naandoon ka na rin lang bakit di mo kinausap ang manager nila at sinabi ang mga katrantaduhan ng mga mekaniko nila. wag nating palalagpasin ang mga ganitong bagay para hindi umabuso. kailangan kumilos din tayo para magbago ang sistema.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    188
    #3
    ganun nga yung ginawa ko nung time na yun, kinausap namin yung agent, pinapatawag namin sa kanya yung service manager dun kaya lang ang sabi samin ng agent nakauwi na daw, sabi nya ipaparating daw nya sa manager nya yung mga nangyari kagabi.
    kanina nag update sa akin yung agent namin, ang sabi pinatawag daw sa office yung lahat ng mekaniko dun pero hindi daw nya alam kung ano daw ang nangyari pagkatapos nun.

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #4
    Thanks for the tip. This could inform all honda owners out there who's having their car serviced at Honda QA

    BTW, mods, please move this to the " Goon Squad HQ "
    Last edited by renzo_d10; October 24th, 2009 at 07:19 PM.

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    197
    #5
    Sir sana na video mo or na picturan. Anyway huwag ka na magpa PMS dyan lalo na sinumbong mo sila baka yariin pa sasakyan nyo dyan. pero huwag din kayo sa pasig mag pa PMS madami rin horror stories dyan. sa honda SPA na lang kayo magpagawa if ever.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,842
    #6
    Sa dami talaga ng sineservice ng mga dealership, hindi ako magtataka kung bumaba ang service standard nila.

    am sure naghire iyan ng mga temporary workers, at malamang iyan mga OJT or possible na hindi qualified mechanic


    Kaya sa mga nagpapaservice, ingat sa mga nangangatay ng mga parts. or Aalisin parts nyo para matest sa kabila. mga nangangahoy ng pyesa

    Make sure may Checklist kayo!

  7. Join Date
    May 2007
    Posts
    3,983
    #7
    im quite shocked myself about this... nakakahiya talaga.

    for a well known dealer like HCQC which i presume is well funded, don't they have surveillance cameras by their security department to report their "harsh pleasures"???

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    995
    #8
    Magandang paalala eto....kaya dapat pag nag pservice tutukan..kaso sa casa bawal ... Wala pala silang TLC

  9. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    188
    #9
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Thanks for the tip. This could inform all honda owners out there who's having their car serviced at Honda QA

    BTW, mods, please move this to the " Goon Squad HQ "
    walang anuman renzo. I'm sure naman kung kayo rin ang makakita ng ganun sigurado ipopost nyo rin dito to warn others.

    Quote Originally Posted by slalom View Post
    Sir sana na video mo or na picturan. Anyway huwag ka na magpa PMS dyan lalo na sinumbong mo sila baka yariin pa sasakyan nyo dyan. pero huwag din kayo sa pasig mag pa PMS madami rin horror stories dyan. sa honda SPA na lang kayo magpagawa if ever.
    oo nga e sana nakapag video ako pero mismo ung agent namin nawitness ung mga kalokohan ng service nila kaya nga todo hingi ng dispensa ung agent sa amin.

    never ko talaga ipapaservice sa kanila ung kotse. sigurado bababuyin lang nila.

    Quote Originally Posted by MAXBUWAYA View Post
    Sa dami talaga ng sineservice ng mga dealership, hindi ako magtataka kung bumaba ang service standard nila.

    am sure naghire iyan ng mga temporary workers, at malamang iyan mga OJT or possible na hindi qualified mechanic


    Kaya sa mga nagpapaservice, ingat sa mga nangangatay ng mga parts. or Aalisin parts nyo para matest sa kabila. mga nangangahoy ng pyesa

    Make sure may Checklist kayo!
    oo malamang mga ojt lang yung mga yun dahil napakarami nila doon past 7pm na may gumagawa pa. baka nga kumuha sila ng mga temporary workers sa sobrang dami ng mga nagpapaayos sa kanila.

    Quote Originally Posted by ianmitsulancer View Post
    im quite shocked myself about this... nakakahiya talaga.

    for a well known dealer like HCQC which i presume is well funded, don't they have surveillance cameras by their security department to report their "harsh pleasures"???
    no, wala silang surveillance cameras, kaya nga malalakas loob nila mambaboy ng sasakyan.

    Quote Originally Posted by shakatak70 View Post
    Magandang paalala eto....kaya dapat pag nag pservice tutukan..kaso sa casa bawal ... Wala pala silang TLC
    sa nakita namin sa honda qa sa may customer's lounge pwede mo makita ung sasakyan na sineservice nila kaya nga lang nung time na yun kaya malakas loob nila walanghiyain ang sasakyan e dahil alam nilang wala dun ang may ari dahil halos lahat ng mga kotseng nandoon puro nalubog sa baha.

  10. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #10
    If this were true I would think twice before entrusting my Honda to these "seranikos" on the loose.

Page 1 of 5 12345 LastLast
Mag-ingat sa service ng Honda Quezon Ave.