
Originally Posted by
wkitcivic955
Sir Master32 ganyang ganyan ang naging problema ko which is until now inoobserbahan ko pa after gawin ng mekaniko ko yung inaakala nilang nagiging problema.
Just a few kilometers lang ang natatakbo ko maghapon from house to office at office to kid's school for lunch then from office to house na ulit, ubos ang coolant ko maghapon lang yun.
Eto ang ginagawang test ng mekaniko ko para malaman kung head gasket nga ang problem. Pagdating ko sa talyer nila, from running around 10 mins. pina-off sa kin ang engine. Then slowly and carefully ni-remove yung rad cap, (syempre pinasingaw muna nya ang pressure.) Then right after opening, pina-start sa akin yung engine. And voila, bigla na lang bumulwak ng pagkalakas lakas yung tubig (with green coolant) at nagkalat sa buong engine compartment ko under the hood, even them ay natalsikan. Ayun, they've suspected na head gasket nga. And nung mapalitan na, just last week. Tumakbo ako nung sunday ng around 50klms. namasyal muna kami ng family. Ayun awa ni Lord, nung nagtsek ako after noon, before dumilim at nakapahinga na ung sasakyan, ayos naman, walang nabawas kahit konti. But still observing until now.
By the way, kasabay nga pala nun pag-aayos nila, tinanggal nila yung thermostat ko at mas maganda daw kasi ang wala na nun. Pero hindi rin ako kampante kaya pinalagay ko ulit but with a brand new one na.
Sana makatulong...let me know din bro kung ano na nangyari sa iyo.
Thanks.