Okay.. Kadarating ko lang dito sa bahay.
Share lang..
Kanina, nasa Roxas Blvd. kami, 3 Tucson R-eVGT. Medyo matulin ang takbo namin, lalo na ako, ako yung nauuna eh
Meron white SiR na lumagpas sa amin pero hindi naman sya masyado matulin, cruising lang siya around 90km/h to 100km/h siguro.
Nung humataw na ako, syempre aabutan ko yung SiR. Pumunta ako sa outermost lane para lumusot,
aba ang magaling! hinarangan ako!
Syempre, para sa akin medyo nabastos ako dun sa ginawa niya kasi dadaan lang naman ako eh, hindi ako nag-rev sa tabi niya o sumesenyas ng karera. Dahil alam kong hindi aabot ang Tucson ko sa SiR.
Naiintindihan ko na kung bakit marami nagagalit sa owners ng SiR.
Ang laki nung sticker ng car club nila dun sa likod ng oto niya. Alam niyo kung sino kayo.
Hindi nalang ako pumatol kahit may mga kasama ako.
Sana next time, pag nag-krus ang landas natin, sana hindi ko dala yung A6 at may kasamang bodyguard dahil hindi niyo ako maabutan.
Naniniwala pa naman ako sa inyo na mababait ang members niyo, kaya hindi ako gumatong nung mainit ang away dito.