New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    86
    #1
    Sirs,
    Help naman po. May whining noise yung 2003 CRV A/T dito house. Dinig na dinig yung ingay sa loob ng cabin. Di ko po alam kung sa engine, o bearing lang na worn-out na. Matining yung sound. Parang sirena ng firetrack (pero yung mahina lang, he he). Ganun yun tunog lalo na pag yung RPM tumataas.

    Anything to check,kung na experienced nyo na ganito? Kapapalit lang ng rack and pinion assembly, 1 month ago. Pero before that, meron narin ganung tunog.

  2. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    10
    #2
    pacheck up nyo po aircon compressor nyo.. or yung auto tensioner bearing... yan po ang common na sira nyang CRV model 2002-2005

  3. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #3
    idle bearing or yung alternator/compressor bearing. mahilig ba kayo magpa engine wash?

    timing belt tensioner di yata ganyan kalakas.

  4. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    10
    #4
    double check nyo po din pala ang power steering fluid level...if it is low po pwede dito din manggaling ang noise... check for possible leaks if ever.. ( even if you already replaced your rack and pinion, there are some parts na pwede magcause ng leak, like feed pipe hose, return hose and p/s pump.

    timing chain po yan engine nyan, divebelt auto tensioner bearing, or a/c compressor bearing... assembly po ang palitan nyan kaya medyo magastos.

  5. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    86
    #5
    Mga Sirs,
    Salamat po. Ipa-check-up ko na lang mga suggestions nyo. Post ko na lang dito kung ano naging problema. More power!!

  6. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #6
    most probably sa bearing yan, sa simula ay whining sound pa lang, kapag tumagal, lalong lalakas ang tunog....kung saan,doon lang yan sa iniikutan ng drive belt...tensioner, idler pulley,alternator,AC compressor,water pump,hydraulic power steering pump,etc...

    kapag dinala mo sa respetadong workshop, madali nilang maidentify kung saan nang-gagaling ang ingay, meron silang gadget na parang stetoscope na pang-Hospital.....

    go ahead bro, dalhin mo na sa respetadong workshop.....

  7. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    86
    #7
    Up ko lang mga Sirs, alternator bearing ang sira. Sa Crv 03, 2 klase yung bearing. Sa Honda Casa ako bumili kase less than 100 pesos lang ang difference sa mga auto shop. Actually, bumili ako sa local autoshop. Tumagal lang ng 2 weeks. Learned the hard way, palit ng auto tensioner and overhaul power steering pump assy. Ganun pa rin, until napalitan yung alternator bearing.

Honda CRV whining sound