New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #1
    hi guys! may nakita na akong honda civic! year 2000 po siya. sabi ng owner, may tagas ang cylinder gasket. question, saan po ok magpagawa nito and magkano kaya aabutin.
    salamat sa mga sasagot. =)

  2. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #2
    tingin ko lalagpas ka ng 3k sa gasket at labor ng mekaniko dalhin mo na lang sa napagkakatiwalaan mong mekaniko

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #3
    Quote Originally Posted by boy_tino View Post
    tingin ko lalagpas ka ng 3k sa gasket at labor ng mekaniko dalhin mo na lang sa napagkakatiwalaan mong mekaniko
    wow! thanks sa reply sir. yung tagas ba na yun, malaki nang problema? I mean, magdudulot ba ito ng sakit ng ulo sa akin sa future?

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #4
    and after ba maayus ito, magdudulot pa ba ito ng problema? Malaking problema ba ang may tagas ang cylinder gasket? ano possibleng problema bakit nagka tagas ito?

  5. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #5
    kapag naikabit ng maayos ang cylinder head gasket mo wala ka nang magiging problema basta lang wag gagamitan ng silicon gasket maker para idikit ang cylinder head gasket ang pupuede pang gamitin na pandikit dyan ay ang automotive cement glue, pero hangga't maaari ay wala itong pandikit para pag uminit ay hindi ito magkaroon ng GAP at pagmulan ulit ng pagtagas ng langis.

    kapag natagalan pa yan bago mo ipagawa magkakaproblema ka ng malaki dyan dahil sa oras na tumagas ang langis mo ay mababawasan ang langis at sa oras na madami dami na rin ang nabawas sa langis ng makina mo at yan ay makakasama sa makina mo.

    kung lumala pa ang sira ng cylinder head gasket mo ay maghahalo ang langis at tubig sa makina mo malalaman mo yan kapag tinignan mo ang tubig sa radiator mo na may kulay itim na mumuo at nagkukulay rainbow pa kapag nangyari yan ay magkakaroon ng friction ang mga laman loob ng makina mo gaya ng crankshaft magkakagasgas ito na puedeng humantong sa pagkakatok ng makina.

    kaya nasisira ang cylinder head gasket at nagkakatagas syempre sa katagalan na rin dahil mainit-init din ang makina na maaaring nagpaparupok sa gasket kung kaya't nagiging matigas na malutong ito at nagkakaroon ng crack kung saan saan makakalusot palabas ng cylinder head mo ang langis dahil ang makina ay may pressure din.

    kung magpapalit ka ng cylinder head gasket palitan mo na rin ang overhead vavle cover rubber gasket ang ibabaw ng cylinder head mo kung saan naglalagay ka ng engine oil dahil tiyak na matigas na yan ay bibigay na rin at baka dun naman magkatagas yun rubber na yun hindi ka lalagpas sa 1k or baka mas mababa pa dyan.

    ay oo nga pala syempre tatanggaling ang valve cover ng makina mo bago mo ipakabit yan cover na yan kasama ang bagong valve cover rubber gasket ipa adjust or ire-standard mo na rin ang valve clearance mo para gumanda ang hatak ng makina mo at maging mas responsive sya sa tapak mo sa accelerator pedal ika nga kung ano ang tapak mo yun din ang ibibigay na bilis ng makina mo so sa makatuwid titipid ka pa sa gasolina.

  6. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #6

    mga magkano po kaya aabutin yung mga pag palit ng cylinder head gasket at nung rubber? kasi may nagbebenta sa akin ng kotse, honda civic 2000. good condition sya loob at labas. pero un nga daw, nagkatagas ung cylinder head. babae kasi ung may ari. alaga ung loob at labas. pero yung makina hindi nya ginagalaw.

  7. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    1,100
    #7
    pag nagwarp na yung cylinder head nya mismo, kahit ilang headgasket ang ilagay mo jan tatagas pa rin. nagwwarp yan usually pag pirming nagooverheat. you can either buy a new cylinder head, or have the head shaved para bumalik yung original lapat nya. expensive pareho, pero i'm more inclined to getting just a surplus head.

    may tools ang honda shops, or honda specialist shops para malaman kung warped. sabi nila you also tell visually once you remove the gasket, pero i'm not so sure.

    pinakamaganda jan check mo yung tubig sa radiator (PAG MALAMIG HA) at yung oil sa oil fill cap. pag kulay oil pa (black or reddish or whtever), you're in luck, baka pwede pa simple palit ng gasket.

    pag parang kulay chocolate drink (very bad), or maraming whitish deposits sa oil fill cap na parang tartar sa ngipin or dried toothpaste... medyo delicado na yan. it's your call. the oil fill cap should ALWAYS be black. pag may ibang kulay jan iba yun.

    gasket alone will cost you maybe 3k. labor, depende na yan. baklas madali lang. pagkabit ang crucial... use no adhesive, maybe a little oil. the gasket is made of 2 pieces of metal and sandwiched within is a softer material. parang double sided tape. it should seal itself with no adhesive.

    personally, i would not buy a car with a leaking head gasket. camcover gasket pwede pa. mahirap kasi magpagawa nyan, lalo na kung hindi mo dadalin sa specialista. it's good na honest yung seller, pero for me, its not worth the risk.

  8. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #8
    Quote Originally Posted by lloydwena View Post
    mga magkano po kaya aabutin yung mga pag palit ng cylinder head gasket at nung rubber? kasi may nagbebenta sa akin ng kotse, honda civic 2000. good condition sya loob at labas. pero un nga daw, nagkatagas ung cylinder head. babae kasi ung may ari. alaga ung loob at labas. pero yung makina hindi nya ginagalaw.

    lagpas 3k....... ganito tanong tanong ka muna dito kung saan maganda magpagawa ng nyan

  9. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    199
    #9
    thanks sa mga reply nyo.. di ko na kukunin ung nakita kong civic. ayaw ko mag risk tapos mahal pa benta nila. eh andami pa palang papagawa. nung chineck ko last week, parang brand new, bagong car wash etc. pero kanina, nag surprise visit ako (kasi kala ko ok na) eh lumabas at nakita ko ung tunay na kulay ng kotse. madami pa pala akong papaayus.

    sana makakita na ako ng magagamit kong kotse na ok at good condition. kaya kung may alam kau-- just let me know a

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    537
    #10
    makakahanap ka rin nya basta wag ka lang magmadali para sure magsama ka ng marunong sa makina ng kotse hangga't maaari mekaniko para mas maganda para malaman kung ano ang kondisyon

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Honda Civic cylinder gasket