Hi,

Noob lang po ako dito. My dad went abroad and he left me the responsibility of our. Honda Civic '97 LXi.
Wala namang sinabi sa aking problema yung erpat ko about the car, pero after using it for 3 weeks, napansin ko agad yung kiling nya sa kanan, kapag binitawan ko yung manibela.
So nagtanong-tanong ako sa mga kilala kong may kotse, camber daw ang problema dalhin ko sa servitek. Nung dinala ko sa servitek, sabi nila, wala daw camber and '97 civic. at nung na check nile yung auto, maluwang na raw yung tire rod at kailangan palitan na yung strut rod. Sa estimate nila, 4200 ang aabutin kasama na alignment. Tinanong ko kung pwede magpa-align na lang muna, ang sabi nila, mabable-wala ang alignment kasi dahil sa strut rod nya. Kailangan daw hindi umuuga yun.

Questions:

1. Totoo bang walang camber ang honda civic?
Ang alam ko kasi lahat ng sasakyan may camber alignment eh.

2. Ano ang bad effects kung patuloy kong gagamitin ang sasakyan?

3. Makatarungan ba yung estimates nila?San pa maganda magpa-check ng alignment?

4. Ano ba ang cause ng pakaka-luwang ng strut rod at tire rod?

Thanks in advance