mukang hindi tranny issue ng oto mo.. if thats the case mabuti kung ganun..
Oo nga nash good akala ko tranny na pag ganun symptoms di pala lahat....
Better macheck talaga maigi kse malaki magagastos kung trial and error style...
Muntik na rin ako mag palit fuel pump nasa 19k din sa CaSa kasama labor buti wala sila stock kaya fuel filter lang pinapalitan ko tapos nag halo ako fuel injector cleaner sa gas tank kse baka pati injectors barado na sa sobra dumi nun fuel filter.....so far observe pako pero malaki na improvement naramdaman ko....
Hi Arvin. After nagpalit ka ng fuel filter, nawala na ba yung rpm fluctuations while driving?
Sent from my ASUS_Z00AD using Tsikot Forums mobile app
May problema po talaga transmission ng 1st batch ng City IDSI - AT. yung mga managers na na-issued ng city lahat palapak ang IDSI -CVT nila I think around 6 cars yun lahat same problem. Take note witihin 2 yrs lumabas problem. Meron pa nga pinalitan na ng buong Transmission pero in a matter of months bumalik sira. Ang Siste ganito naging solusyon nila until now yung hindi binenta mga City nila. change lang ng gear oil every 20kms pero not totally nawawala yung rattling.
Mga Sir I also have a Honda city 2007 IDSI automatic. nagloloko din and RPM ko baba-taas baba-taas. Malaki na nagastos ko dito. Gusto ko na sana i-dispose kaso ayoko naman na yung makakabili ang mamrublema. Nagsimula sa rattling sound pag nag reverse, then pati pa forward ganun na din. Pinalitan ko spark plugs(8pcs) then nagpapalit ako ng ignition coils sa likod(4pcs). then nagpalit ako ng flywheel. Medyo nag bago-bago and takbo kaso may ingay pa din.
Recently bigla na lang nag fluctuate and RPM nya and umilaw(flashing) ang "D" sa dashboard. Sabi ng Casa i-flushing daw ang transmission, so pinagawa ko ganun pa din. After 2 weeks umilaw na naman and "D" . medyo hopeless na ko. Pag pinalitan ko kaya ng fuel filter mawawala na ang RPM fluctuation? 4200 din ang fuel filter + labor pa.
Looks like the CVT tranny is failing already. Do you change CVT fluid regularly? That generation of the City and Jazz were prone to CVT failures if maintenance was not done regularly.
Sent from my iPhone using Tapatalk
Baka cvt issue na yan. Yung surplus almost 30k including labor. Nagpalinis ka na ng throttle body?
Sorry guys! Di ko na pala naupdate ito oo nga pala after I replaced fuel filter may natira pa jerking pasulpot sulpot so i decided to replace ignition coils na kse yun nalang di ko nagagawa before i come to conclusion na transmission na nga, so i went to banawe para mag hanap nang surplus na ignition coils yun original japan parin naisip ko machecheck naman bago ko babayaran itest drive muna so ganun ginawa ko and to my surprise nawala na problem ko yun ignition coils lang pala ang salarin....mga lats week of December 2014 or January first week of 2015 ko ito ginawa and yun wala na problem hanggang ngayon wala po ako naging problema na sa jerking issue.... Culprit----> Ignition Coils....
so sa mga nag kakaproblem sa jerking dont just jump to conclusion na transmission kagad panghuli na po yun check muna yun kuryente kung dumadaloy ng maayos sa ignition coils kse kung hindi talagang mag jerk po yan .... salamat![]()
Mel Casaba yung sa Tirona bacoor?
Galing ako sa kanya, medyo hirap na sya sa pandinig. Yung anak nya yung mostly gumagawa. Kaya hanap ako ng ibang talyer, may malupit akong nakita, former team lead ng Honda Dasma mekaniko, nasa tabi mismo ng honda Dasma. Bihasa sa kahit anong honda syempre
Well anyways, I have a city 08. Napalitan na namin ng Tranny, surplus 14k nakita ko sa olx, tapos baba is 3.5k dun sa QC pa. Tpos CVT oil. inabot din ng 20k all in na. Nawala issues ng tranny, wala ng jerking.
Goodluck nalang sating mga naka CVT na ipis.Sana di na manganak ng ibang issues.
Yes last option na yun tranny.... dalin mo sa banawe hanap ka orig surplus na ignition coils then tell the store na testingin muna pag nawala yun jerking saka lang kukunin at babayaran ignition coils.... ganyan ginawa ko para di madouble gastos... nun pinalitan tinest drive namin naging OK na sya so meaning ignition coils talaga culprit di tuloy tuloy daloy kuryente kaya sya nag jejerk... hope this helps ....
Update lng mga sir, replaced the fuel filter kahapon. Its an assembly pala kasama na fuel pump kaya mahal ang presyo.
However, it didn't solve the fluctuating RPM. Ganun pa rin. I'll have to go and have the ignition coils replaced(hanap ako ng original japan surplus)