Hi, tanong ko lang sa mga naka Honda City IDSI na naka 3 years na yung kotse. Nakita ko kasi sa Maintenance Chart sa manual na ito ang mga dapat palitan: Drive Belt, Transmission Oil, at Brake Fluid. Magkano ang nagastos nyo sa Casa? kasi sa labas lang ako nagpapa-service ng kotse ko. Pero kung halos parehas naman sa Casa ang singil ay doon ko na lang papagawa para makasiguro ako na genuine yung magamit. Bale next month ay 3 years na yung kotse ko na Honda City 2008 1.3 IDSI M/T, kaya baka mabigyan nyo ako ng tip kung saan mas ok at makaka-save ng kaunti. Please recommend na din kung sa labas ako papagawa sino ang reliable na mekaniko para magpalit ng drive belt.

TIA,