New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    8
    #1
    Hello po sa inyong lahat.

    I'm driving Honda Civic 2001 Model. I just want to ask, na pag nagpalit ka ng timing belt, kailangan pa bang palitan ang tensioner? sabi ng nagpalit ng timing belt ng car ko, ok pa naman daw yung tensioner. actually, napigtas kasi yung timing belt ko. ang naging damage ay napiko yung dalawang intake valve.

    Meron po bang available na Intake valve na benta sa anong branch ng Honda Casa sa manila? dito po kasi sa amin (ilocos) wala. wala rin daw sa planta. sabi nila sa abroad pa raw manggagaling. kaya nakatambay muna sa sa casa sasakyan ko. yung 2 pcs. intake valve lang daw ang nadamage sa pagkapigtas ng timing belt.

    Hope to hear from the expert soon.

    Thank you in advance...
    God Bles!!

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    457
    #2
    Usually pag nagpapalit ng timing belt, isinasabay na din palitan ang tensioner bearing at water pump. Para isang baklasan na lang at hindi masayang ang ibabayad sa labor.

    Ok lang din kung gusto mo papalitan lang ang isang component. Pero baka sa susunod na taon yung isa naman ang bumigay, panibagong bayaran nanaman sa labor, abala pa sa oras na tumatambay ang kotse sa talyer.

    Ang timing belt naman ang interval for change ay 80,000 kms. Sa tingin ko sapat na mileage na ito para palitan na din yung mga ibang components at malamang malapit na din sila masira.

Help! Timing Belt and Tensioner and Valve