Mga Sir, patulong po ulet....
Eto panibagong milagro sa oto ko. Ilang beses na nangyari na pag start sa morning, hindi agad nawawala ang ilaw ng battery indicator sa dashboard then tumataas ang temp gauge up to about 3/4 after about 5 mins. Stationary pa lang ang oto nyan. Hindi pa tumatakbo. Checked if overheat, hindi naman (no boiling and no release of water from rad to expansion tank). Saka kaka-start pa lang so parang mahirap isipin na overheat na agad. Ocassionaly, nangyayari din to pag tumatakbo at lower speed and RPM at less than 1000 (based on my observation). Nawawala ang ilaw ng battery once i revved the engine and then unti unti na rin nag-no-normal ang temp gauge.
I brought it to the mechanic and unfortunately, hindi nagpakita ang "milagro" na to. Inconsistent talaga ang paglabas. Pag marami-rami na akong napuntahan for the day usually hindi na nagpapakita.
The radiator has been cleaned just about 2 months ago. The rad cap is new (Federal Mogul). No leak anywhere. Fan is working (malakas pa ang buga ng hangin and nag-o-automatic pa naman) although I'm not sure if it is starting and stopping to run at the right time.
Dinala ko rin sa battery shop to check and ok pa naman daw ang battery and the one who checked it also told that wala naman daw problema sa wiring.
I would really appreciate your inputs on this. Thanks in advance.




Reply With Quote
