1. depende kung saan talaga galing yung leak. kung matrace mo na malapit sa timing belt, malamang sa crank shaft oil seal nga yun. sa tingin ko dapat water pump hindi oil pump kasi usually yun ang kasabay ng timing belt change.

2. yung sa reservoir ba ok pa yung cover? try mo tignan yung sa rad cap. tangalin mo then push mo yung may ilalim... kung hindi na response, sira nga yun. pwede din sira na yung water pump.
3. no idea kung magkano and kung ano sira, baka palitan lang yung mech niyan.
4. gumagana pa ba kahit walang housing? kung hindi na, palit pati motor nun. pero kung gana, kuha ka na lang sa honda casa.
5. tingin tingin ka sa banawe pero mura lang yan kasi manual naman pala.
6. mura lang... 1k sobra na. wala naman camber city di ba?
7. try to check caliper and pads. pwede rin inudjust yun mismong pedal dati ng mayari para preno kagad, pacheck is your best bet.
8. hindi kaya 1,500 rpm? kung malamig pa, ok lang yun. kung normal temp na, around 800 to 1,000 rpm lang.
*binuksan na ba yung makina para makita yung crank shaft? kung hindi, hindi malalamang kailangan palitan. bihira masira ito pero kung nagoverheat na or nawalan ng oil, pwede masira talaga. hindi kaya yung bearing lang kailangan palitan?
sa totoo lang sir medyo mahirap sagutin ng pin point yung mga tanong niyo unless nakita na yung oto. pero yung mga sagot ko, yun lang nakikita ko possible answers.