mga sir please help naman po. my unit is 95 honda accord, thou i change my engine from exi to vtec. since vtec na po ung engine may kinabit po clang sensor sa tambutso. mababa po kasi ang accord kaya ung sensor po sa may tambutso eh nahahagip po everytime po na dumadaan ako sa damuhan until such time napigtas ung wire nya. pina reconnect ko na po ulit sha. now the problem is after ko iistart ung engine eh umiiilaw po ung check engine light. mga sir ano po sa tingin nyo ang naging cause nya bat nagkaganun. at ano po ang remedy nya.. marami po salamat mga sirs...
try mo sir irestart yung ecu mo.disconnect mo lang ang negative ng battery mo for 5mins. tapos reconnect mo. kapag nanjan pa din ang CEL, kelangan mo na talaga i pa diagnose. less than 500 lang ang pagpa diagnose ng ECU
sa passenger side, sa may baba ng dash board tanggalin mo yung panel sa gilid. makikita mo yung wire na may green na socket. dalawa yun, i short mo yung may 2pin na socket dun using a paper clip. tapos on mo yung ignition switch, pero wag start.
dun iilaw yung CEL, isang steady na CEL ay 10, ang isang mabilis na blink 1. example, dalawang matagal na ilaw tapos dalawang mabilis na blink. code 22 yun.
tingnan mo nalang sa net kung ano ang code lumabas. makikita mo naman yan. goodluck