mga sir, im planning to buy my first car. sa wakas ay napapayag ko na po ang aking mother dear na 2nd hand na lang ang bilhin instead of brand new. kagaya po ng sabi ng marami, mas maganda nga daw po pag bnew kasi walang sakit sa ulo. ang iniisip ko naman po ay masyadong magastos yung bnew at parang medyo masakit kapag nasabit mo agad. at kaya ko naman po gusto ng 2nd hand dahil unang sasakyan ko pa lang naman po at hindi naman po gaanong mabigat sa bulsa. iniisip ko po sana na kunin e yung VTi 00' model. hingi po sana ko ng opinion sa inyo kung anong mga dapat i-consider pag bibili na po ako, anong mga dapat i-check bago bilhin at anong mga dapat na pag-aalaga pag nabili ko na. salamat po.